^

Para Malibang

Meneses igigiya ang EA Regen team

Pang-masa

MANILA, Philippines - Naging isang mala­king achievement kay head coach Vergel Meneses ang pagkakapasok ng kanyang JRU-Air21 team sa nakaraang conference ng PBA D-League.

Kahit na hindi kala­kasan ang kanyang kopo­nan ay nagawa niyang ta­lunin ang mga mas pa­boritong koponan at na­ka­rating pa hanggang sa Final Four laban sa NLEX.

Maging sa laban sa NLEX ay nagawa nilang mabigyan ng maganda at mahigpitang laro  ang Road Warriors at umabot pa sa Game 3 ang ka­nilang serye.

Sa pagbubukas ng pa­nibagong conference, ay may bago na namang ko­ponan na hawak si Mene­ses  at ito ay ang EA Regen Medical Group.

Ito ang koponan na bin­uo ni sports patron Ma­yor Dennis Pineda sa pa­kikipagtulungan kina assistant coach Allan Tri­nidad, team manager Ar­chen Cayabyab at assistant team manager Charlie Chua.

Hindi tumigil si Pi­neda hang­gang sa nakum­binsi ni­ya si Meneses na ma­ging head coach ng team.

“Natutuwa naman ako sa tiwalang ibinigay sa akin ni Mayor Dennis. Ma­ganda ang line-up na na­buo namin, at sana nga, makagawa ulit kami ng magandang performance at sana’y umabot naman ako sa Finals,” sabi ni Me­neses.

 

vuukle comment

ALLAN TRI

CHARLIE CHUA

DENNIS PINEDA

FINAL FOUR

MAYOR DENNIS

REGEN MEDICAL GROUP

ROAD WARRIORS

SHY

VERGEL MENESES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with