^

Pang Movies

Maqui, iniisyuhang cheater!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Maqui, iniisyuhang cheater!
Robbie at Magui

Tila nagiging messy ang rumored breakup nina Robbie Jaworski at Magui Ford sa mga lumalabas na balita. ?sana na rin ang mga personalidad na nai-involved.

Halimbawa, mali raw ang tsika na hindi sinundo ni Magui si Robbie nang lumabas ito sa Bahay Ni Kuya. Nasa dressing room daw ng PBB house si Magui kasama ang sister nitong si Lella Ford at ang nali-link dito na si Joaquin Arce.

Kaya lang, pinauwi o pinaalis daw ni Robbie si Magui at wala pang sinabing dahilan, pero may naniniwalang dahil ito sa balitang pagkaka-link ni Magui sa isang personalidad. Dahil kasama ni Magui si Lella, nakita nito ang nangyari.

Ang sumunod na balita, in-unfollow nina Lella at Joaquin si Robbie sa Instagram. Sa mga nagtatanong kung nalaman ni Robbie ang isyu kay Magui gayung nasa loob siya ng Bahay Ni Kuya, dahil daw ni-report sa kanya ng mga kapatid.

Pero malabo pa rin ang anggulong ito dahil hindi naman nakakausap ni Robbie ang mga kapatid dahil nasa loob nga s?ya ng Bahay Ni Kuya.

 Nagpadagdag pa sa isyu ang pagka-like ng GF ng isang kapatid ni Robbie sa post na nag-cheat daw si Magui.

Ano raw ang ibig sabihin nito? May fans ni Kathryn Bernardo na sumakay na sa breakup issue nina Robbie at Magui, ayun, may online war na ang fans ng aktres at fans ni Daniel Padilla na brother ni Magui.

Abangan natin at marami pang lalabas na tsika sa breakup issue nina Magui at Robbie.

RabGel, tuloy ang ligaya ng tambalan

Present sina Rabin Angeles at Angela Muji sa launching ng Viva One. As usual, sweet ang dalawa at laging magkadikit. Pinasalamatan nina Rabin at Angela ang kanilang fans sa tuluy-tuloy na suporta sa love team nila.

Ibinalita na rin ng RabGel na may two projects sila next year for their fans. “May gagawin kaming pelikula next year at may series sa Viva One, abangan ninyo,” pagbabalita ng RabGel.

Hindi nagbigay ng spoiler ang RabGel sa kanilang film project. Ang ibinalita lang ay ang Viva One series na pagtatambalan. Ito ay ang Boyfriend Corp. na Wattpad adaptation pa rin. Ibinalita rin sa launching na may concert ang Viva love teams sa January 2026. Wait for the announcement at siguradong big event ito.

ROBBIE JAWORSKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with