^

Pang Movies

Joshua, napa-oo agad ni Julia!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Joshua, napa-oo agad ni Julia!
Joshua

For sure ay ikinatuwa ng fans nina Joshua Garcia at Julia Barretto (JoshLia) ang announcement ng Star Cinema sa New Movie Alert last Wednesday night. Ini-reveal sa nasabing online show na muling magsasama ang dating magka-loveteam at magdyowa sa isang pelikula.

Sa panayam sa JoshLia ay sinabi nilang sobrang excited sila sa reunion film nila na may titulong Un/Happy For You.

Ayon kay Joshua, “yes” daw agad ang isinagot niya nang i-offer sa kanya ito.

“Nu’ng nalaman ko ‘yung project, sabi ko, ‘yes’ agad. Kasi ang tagal na rin kasi nu’ng agwat nu’ng panahon na nag-work kami before. Before kasi, mga teenager pa kami. Ngayon, I can say na siguro, medyo nag-mature na rin kami,” ani Joshua.

“Parang ang exciting lang na ‘di ba, nagkanya-kanya kaming journey, and then, parang ngayon, biglang magbabalikan kami sa pelikula,” dagdag pa ng aktor.

Sabi naman ni Julia, napakarami na rin daw naging offers sa kanila ng reunion film and it’s about time na rin na gumawa sila lalo na nga kung maganda ang materyal.

“It almost felt like you know maybe, it’s already the right time, it’s the right material, we’re both in a good place in our lives and I’m happy na magtatrabaho tayo ulit,” saad ni Julia.

Ang naturang JoshLia’s reunion film ay isang romance-drama pero mas mature na raw ngayon at ididirehe ito ni Petersen Vargas, written by Kookai Labayen, Crystal Hazel San Miguel, and Jen Chuaunsu.

Angelica, tinapos na ang pagiging santo ng mga brokenhearted!

Hanggang ngayon ay kitang-kita sa posts ni Angelica Panganiban sa kanyang social media page ang labis na kaligayahang nararamdaman matapos ang 2nd wedding nila ni Gregg Homan na ginanap kamakailan sa Siargao.

Sey nga niya sa isang post, “how to recover from a 3 day nonstop party. Naiwan ko na ang pake ko sa itsura ko sa sarap ng hayahay at pagnilaynilay ko ngayon mga mhie.”

Nakakaaliw din ang post niya na nagpapasalamat siya sa kanyang mister na siyang tumapos ng kanyang sad girl era.

“Ito na ang tamang pagkakataon para magpasalamat tayong lahat kay Gregg! Tinapos niya ang sad girl era ko,” sey ni Angelica.

Ngayon ay hindi na raw siya patron saint ng mga brokenhearted at iniiwan na niya ang kanyang titulong ito. Nagbiro pa ang aktres kung sino raw ang gustong sumalo ng kanyang korona.

“Ang patron saint ng mga broken hearted  now officially signing off. Sino gusto sumalo ng korona,” saad ng aktres.

Maging ang mga netizens ay masayang-masaya sa kaligayahang nararamdaman ni Angelica dahil deserve na deserve raw ng aktres ang maging masaya.

Hindi rin nakalimutan ng aktres na bigyan ng pa-tribute ang kanyang long-time best friend at matron of honor sa kanyang kasal na si Glaiza de Castro

“Appreciation post para kay matron of honor @glaizaredux

”Simple lang to promise.

“Kung noon, hinahatid lang natin ang isa’t isa sa mga bahay natin habang natatakot tayo sa mga magulang natin kung papagalitan ba tayo. Ngayon, nahatid na natin ang isa’t isa sa altar,” bahagi ng madamda­ming post ni Angelica.

“Binigyan mo ng napaka taas na standard ang pagiging bestfriend. Paulit ulit kitang pipiliin maging pinaka matalik na kaibigan saan mang universe tayo dalhin. Mahal kita bataaah,” mensahe pa niya sa kaibigan.

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with