^

Pang Movies

Bea, binura na si Dominic

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Bea, binura na si Dominic
Bea Alonzo.
STAR/ File

Ayaw nang maalala?

Tinapos na ni Bea Alonzo ang ilusyon ng ibang followers nila na nagkaayos ulit sila ni Dominic Roque.

Tuluyan nang winalis at ibinasura ng actress ang alaala ng kanyang ex.

Wala na ang memories nito sa Instagram account ni Bea, kahit ang proposal posts ay tsugi na rin.

Ganundin ang joint statement nila sa kanilang breakup.

Pero sa social media pages ni Dominic, andun pa rin naman ang ilang photos ni Bea at video nung mag-propose siya sa ex.

Ang daming nag-speculate na nagkabalikan ang dalawa matapos mag-viral ang video na nasa wallpaper pa ng actor si Bea at ang Maltese dog nito.

May ilang nag-insist na nagkabalikan sila dahil sa nasabing viral video.

Iba na kasi ngayon, may ganung video lang ginagawan na kaagad ng story without verifying the issue as if legit na ang story.

Ngayon malabo na siyempreng ipilit ito.

Malinaw na hiwalay na sila.

Aktres, iniputan ang mister

Wow may ‘tikiman’ portion pala ang isang married actress at pamilyado ring actor.

At nabuo ang kanilang illicit affair sa taping ng kanilang teleserye.

At ang tikiman portion, nagaganap daw ‘pag nag-iinoman at naglala­singan na sila.

Tho kilala namang malandi si actress pero nag-asawa kasi siya kaya ang buong akala ng lahat, loyal na siya sa mister.

Pero hindi pa pala faithful si actress.

Malandi rin ang reputation ng actor kaya hindi na shocking kung magkaroon man sila ng tikiman portion sa taping lalo na kung sa malayong lugar sila nagti-taping.

 

vuukle comment

BEA ALONZO

DOMINIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with