^

Pang Movies

Lolit Solis, nagulat sa cyber libel ni Bea kina Cristy at Ogie

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Lolit Solis, nagulat sa cyber libel ni Bea kina Cristy at Ogie
Lolit Solis.
TAKE IT

Thankful si Nay Lolit Solis na hindi siya kinasuhan ni Bea Alonzo sa kabila ng ‘pagbabanta’ noon ng kanyang manager.

So kumusta naman na wala kang demanda ngayon? Nata kot ka ba na mademanda rin ng cyber libel?

Mabilis na sagot ni Nay Lolit : “Thankful ako kay Bea. Kasi ‘di ba ‘yung despite ng mga sinulat ko, mga sinabi ko. Nung nakita ko siya nung ano, very friendly siya. ‘Di ba? Kaya thankful ako,” umpisa niya kahapon sa birthday blowout ng socialite friend naming si Leo Espinosa.

“Saka ‘yang mga libel case, tumatagal naman ‘yan, sobrang tagal. Ang ibig kong sabihin baka naman ‘pag dumating sa dulo, tamarin ka na rin. Kaya ‘yung pinaglalaban ni Bea, pinaglalaban ni Cristy, pareho silang may pinaglalaban. Tingnan na lang natin.”

Pero mas mabilis daw kasi ang process ng cyber libel?

“Kaya, hindi nga, tingnan na lang natin ‘di ba. Siyempre, maniniwala ka ba sa panig ni Bea, maniniwala ka sa pinaglalaban ni Cristy. Kaya we hope na dumating si magandang ano...”

Pero ‘di ba parang nag-expect ka dati na idedemanda ka ni Bea noon?

“Hindi. Talagang iniisip ko dahil nga ‘di ba sinabi na ng manager na... “I will consult my lawyer.” Kaya ‘di ba, doon ako nagsimulang mairita kay Shirley (Bea’s talent manager). Kumbaga sa akin pareho kaming manager, pwede naman niya akong tawagan. Sabihin niya, “ay Lolit, tigilan mo na yung alaga ko.” Tingnan mo na lang ‘yung mga manager, eh hindi! Sa halip sinabi niya, ‘I will consult my lawyer.’ Kaya nairita ako,” katwiran pa ni Nay Lolit.

Pero nagulat ka ba nung malaman mong idinemanda si tita Cristy at si Ogie Diaz?

“Oo, hindi ko akalain na mapipikon si Bea. Akala ko okay lang sa kanya lahat. ‘Di ba ‘pag artista, ganun naman.”

May message ka ba kina Nay Cristy o kay Bea?

“Eh, kung anong pinaglalaban n’yo, ipaglaban n’yo. Kasi ‘di ba dapat ‘yung pinaglalaban mo, naniniwala ka, ‘di ba?”

May point naman si Nay Lolit.

vuukle comment

LOLIT SOLIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with