^

Pang Movies

Jericho, hindi part ng ‘goal’ si Kathryn!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Jericho, hindi part ng �goal� si Kathryn!
Kathryn Bernardo at Jericho Rosales

Habang paniwala ang marami sa naglalabasang nanliligaw si Jericho Rosales kay Kathryn Bernardo, sinabi nitong hindi kasama sa kanyang priorities ngayong 2024 ang makahanap na bagong love.

Sa interview ni MJ Felipe sa On Cue, pinagdidiinan niya ito. “Is finding love part of your 2024?” tanong ni MJ Felipe.

Sagot ng actor : “No.”

“So, the rumors are not true?” sundot ni MJ.

“What rumors? I don’t read social media. I mean, sometimes I go like that. No, I’d rather not. I don’t wanna pollute my mind so,” pahayag ng aktor na hiwalay na sa asawa.

“So, it’s not part of your goal? Falling in love in 2024. Finding new love, sorry,” follow up pa ni MJ.

“It’s too early for that. It’s too early for that,” katwiran ng actor. Dagdag nito : “I love my job,  it’s the year of rebuilding things.”

Loud and clear. Hindi niya priority ang lovelife.

Ginawan nga ng conclusion ang pagsama-sama ni Jericho kay Kathryn.

Ayon din sa source, hindi rin diumano totoong nanliligaw si Alden Richards sa actress na leading lady niya sa Hello, Love, Goodbye.

Talaga lang daw may gagawin silang pelikula na malapit nang mag-shooting, itong sequel ng HLG.

Binondo, dina-dagsa dahil sa DonBelle

Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ng bida ng serye na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa nalalapit na pagtatapos ng seryeng Can’t Buy Me Love na consistent sa pagiging isa sa most-watched show sa Netflix at iWantTFC.

Para kay Belle, magiging parte na ng buhay niya si Caroline. “Grabe talaga yung napagdaanan niya. Big help ‘yung directors and character kasi sa kanila ako humuhugot. I have been Caroline for eight months and she’s always going to be a part of me. Kaya parang kung anong pinagdaranan niya, pinagdaraanan ko rin with her,” madamdaming saad ni Caroline.

Ayon kay Donny, hindi dapat palampasin ng manonood ang natitirang episodes ng palabas dahil marami pang revelations. “Sa dinami ng pinagdaanan ng BingLing pati ng buong cast, Team Binondo at mga Tiu, grabe everything is coming together. Kahit ang daming revelations na, ang dami pa rin nating tanong kung anong mangyayari sa dulo. I’m just excited honestly as a viewer to also see what’s going to happen,” saad niya.

Para naman kay Nova Villa, totoong emosyon ang ipinapakita ng buong cast ng serye kaya naman patuloy itong tinatangkilik ng publiko.

“Makatotohanan yung ipinakita namin at binuhos namin effort at puso gumalaw at gumana. Nato-touch na ang viewers natin kasi hindi na kami umaarte at totoo na ang lumalabas,” sabi niya.

“Makatotohanan yung ipinakita namin at binuhos namin effort at puso gumalaw at gumana. Nato-touch na ang viewers natin kasi hindi na kami umaarte at totoo na ang lumalabas,” sabi niya.

Labis naman ang pasasalamat nina Anthony Jennings at Maris Racal sa pagmamahal na ibinigay ng publiko sa kanilang tandem.

Bukod dito, mas pinalago rin nila ang turismo sa Binondo at dinarayo na rin ito ng mas naraming Pilipino na ibinabahagi ang pagbisita sa mga lokasyon at i-recreate ang mga eksena mula sa serye.

Ruru, takot kay Bianca

Nagulat si Ruru Madrid na kissing agad ang eksena nila ng Vivamax A-list actress Angeli Khang na sasabak sa kanyang pinakaunang TV drama, Black Rider. “Actually, ang nakalagay sa script, magsisimula sa kiss and then eventually parang mapupunta sa bed scene. Sabi ko teka lang po, parang masyadong abrupt,” kuwento ni Ruru sa mediacon nila para sa pagpapatuloy ng bagong digmaan sa primetime series ng GMA 7.

“Kasi parang too much and sa audience na rin at maraming sumusu­baybay na mga bata. So nung ginawa namin ang eksena to be honest hindi siya bastos eh. Parang wholesome at talagang may puso.”

Pero may bed scene pa rin?

“Wala-wala nang bed scene.”

So umatras ka sa bedscene for the first time? “Ang naging eksena ni Direk (Rommel Penesa and Richard Arellano), drinown shot niya eh parang maging romantic. Nung nag-kiss na kami, inangat na niya (camera) para hindi masyadong kita ‘yung kissing.”

So hindi ka pa ready sa mga ganun? “Hindi naman sa hindi ready. Pag kailangan po talaga sa eksena, gagawin ko naman. Pero parang pakiramdam ko rin naman I mean personally, bilang isang viewer ng Black Rider baka sobrang abrupt, baka masyadong mabilis lang. Pero kung mailalatag naman natin ng maayos, slowly, gently, eh why not!,” paliwanag pa ng actor.

Masaya siya na nakatrabaho niya ang sexy star, pero aniya ay wala siyang subscription ng Vivamax. “To be honest po, wala. Kasi hindi ako pwedeng mag-subscribe. May nakabantay,” sabay tawa nito na of course ang tinutukoy ay ang girlfriend na si Bianca Umali.

Anong reaction ni Bianca?

“Pagkatapos ng taping, nung may signal na, sinabi ko sa kanya na kailangan naman sa eksena, may pinasok na bagong leading lady na kung saan meron kaming kissing scene, kailangan naming gawin.

“Kasi ang usapan namin ni Bianca. bilang mga actor... Mas transparent kami sa isa’t isa. Kasi ‘yun ang nahanap naming sekreto para maging maayos ang relationship namin lalo na pagdating sa ganyang mga bagay kasi para alam namin ang expectation. Kasi may  social media eh. May TV, na pag napanood niya, ba’t may ganyan...”

Anong sabi niya? “Na-appreciate niya ‘yung honesty ko.”

Ganundin naman daw si Bianca pag may eksenang ganun.

So wala nang interrogation after ng kissing scene n’yo ni Angeli? “Wala na. Kasi parang andun na kami sa point ng relationship namin... magsi-six years na kami sa July... Hindi sa walang selosan kasi ‘di rin naman natin maiiwasan ang ganun pero ‘yung level of trust namin buong-buo na. Ako marami rin naman akong naging kalokohan dati, kilala n’yo ako, mga kapilyuhan ko, kalokohan. Pero binago ko. Nakita ko rin kasi ‘yung kahalagahan ng buhay  at the same time ayoko na ring gumawa ng isang bagay na ikakasira ko bilang isang tao. Ayoko na po ng ganun,” pahayag pa ng actor sa aming interview na aminadong hindi nawawala ang nararamdamang pressure sa kanyang ginagawa.

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with