Dongyan, tatanggap ng takilya award...
Gagawaran ng natatanging parangal ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards ang Kapuso royal couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Tatanggap ang dalawa ng FAMAS Bida sa Takilya Award, na ibinibigay sa mga bida ng mga pelikulang tumabo o kumita ng malaki sa takilya.
Naging blockbuster sa takilya ang pelikula nina Marian at Dingdong na Rewind, na ipinalabas noong Disyembre na kabilang sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival.
Ang Rewind ang naging highest-grossing Filipino film of all time sa Philippine domestic sales. Kasalukuyan itong mapapanood sa Netflix.
Gaganapin ang FAMAS Awards sa May 26 sa Fiesta Pavilion sa Manila Hotel.
Elle, natuto sa Makiling
Proud na sinabi ni Elle Villanueva na malaki ang naging impact sa kanyang career at craft bilang isang aktres sa drama series na Makiling.
“Napakalaki ng naging impact sa akin, kasi binigyan nila ako ng opportunity na mapakita how versatile I can be from my role. Grabe ‘yung lessons and improvement I think na nagawa ko para sa sarili ko dahil po sa kanila.”
Dagdag pa niya, ibang klase ng training ang ipinaranas sa kanya ng production upang mas maging mahusay sa kanyang trabaho bilang aktres.
- Latest