^

Pang Movies

KathDen, ‘di pa sigurado ang balik-tambalan!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
KathDen, �di pa sigurado ang balik-tambalan!
Kathryn Bernardo

Alam mo, Salve A., nagbubunyi ngayon ang KathDen supporters ng Kapamilya superstar na si Kathryn Bernardo at Kapuso prized actor na si Alden Richards dahil nakakakita sila ng liwanag hindi lamang in terms of a movie reunion sa pagitan ng dalawa kundi baka mauwi pa ito sa ligawan at special relationship between the two.

Kapansin-pansin ang pagiging extra close ng dalawa sa magkahiwalay na birthday celebration ng ex-girlfriend ng Kapamilya heartthrob na si Daniel Padilla na parehong dinaluhan ni Alden.

Except for KathNiel fans, wala naman sigurong kokontra kung magkaroon sila ng relasyon in the future dahil pareho naman silang certified single at matatag ang pundasyon hindi lamang sa kanilang respective careers kundi maging sa kanilang mga itinayong negosyo. 

Pareho ring in-demand celebrity endorsers ang dalawa kaya hindi puwedeng ma-accuse si Alden na ginagamit lamang ito.

Pero naniniwala kami na there is always a perfect timing for everything at ngayon marahil ang tamang panahon for him na i-pursue ang kanyang panliligaw kay Kathryn.

Although hindi pa sigurado ang balik-tambalan nila sa pelikula, malaki ang posibilidad na ito’y matuloy.

Showtime sa GMA, history na!

Who would have thought na ang dalawang TV giants na ABS-CBN at GMA ay magkakaroon ng alyansa na kung iisipin ay tila imposibleng mangyari?

Itinuring na makasaysayan ang unang alyansa ng Kapamilya at Kapuso Networks nang maipalabas sa sister station ng GMA, ang GTV ang It’s Showtime nung July 1, 2023 pero walang mag-aakala na ito’y lilipat sa GMA matapos magpaalam ang kapalit ng Eat Bulaga na Tahanang Pinakamasaya na produced din ng TAPE, Inc. na hindi man lamang umabot ng isang taon sa ere.

Last April 6, araw ng Sabado ay isa na namang momentous event ang nangyari nang magsimulang mapanood on GMA ang It’s Showtime na dumaan din ng mara­ming pagsubok since it started airing about 15 years ago.

At sobrang taas ng ratings ang nakuha ng premiere day ng It’s Showtime on GMA last Saturday against its rival program, ang Eat Bulaga sa TV5.  Nag-trending pa ito dahil sa EXpecially for You segment ng programa kung saan special guest ang Kapuso actress at dating beauty queen na si Michelle Dee na nakahanap ng makaka-date sa pamamagitan ng Piolo Pascual look-alike, ang young lawyer at athletic guy, ang Filipino-German na si Oliver Moeller na naging instant celebrity.

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with