^

Pang Movies

Kathryn at Daniel, naglabasan ang mga resibo!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Nagkakalabasan ng ebidensya ang fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kung sino sa mag-ex ang mas controlling. Naunang lumabas na hindi natuloy noon ang dapat sequel ng Hello, Love Goodbye movie nina Kathryn at Alden Richards dahil hindi pumayag si Daniel.

Pinalalabas na kaya hindi pumayag si Daniel dahil na-insecure o nagselos kay Alden. Bagay na ayaw paniwalaan ng fans ni Daniel dahil kung talagang may plano noon na sequel ng HLG, hindi mapipigilan kahit hindi pumayag si Daniel. Tanong ng fans ni Daniel, mas masusunod daw ba si Daniel o ang mga bossing ng Star Cinema?

Ngayon naman, may tsikang hindi lang si Daniel ang controlling, pati si Kathryn dahil may mga film project din daw si Daniel na hindi natuloy dahil hindi ito pumayag. Nabanggit na magtatambal dapat sa pelikula sina Daniel at Sarah Geronimo, hindi lang natuloy dahil ayaw ni Kathryn.

Gagawa rin daw dapat ng movie si Daniel kasama sina Pia Wurtzbach at Liza Soberano na hindi raw natuloy dahil ayaw nito. Kaya quits daw ang ex-couple, hindi lang ang career ni Kathryn ang naapektuhan, pati career ni Daniel.

Nag-aaway-away ang solid fans nila, kanya-kanya silang labasan ng mga not so pleasant kuwento ng ex-couple na hindi nakakatulong sa dalawa. Mas lalo lang nilang pinag-iinit ang mga sarili at ang hindi pa maganda, may mga nadadamay na hindi dapat.

Ngayon pa lang, sobra nang naba-bash si Alden, paano pa kaya kapag nagsu-shooting na sila o kapag ipinalabas na ang HLG 2?

KC, inintriga ang pakikipag-bonding sa mga kapatid kay Gabby!

Nag-dinner sina Sharon Cuneta, Kiko Pangilinan at mga anak na sina Miguel at Miel sa Judy Ann’s Kitchen resto nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa may Alabang yata ito. Kuwento ni Sharon, nagluto si Judy Ann at sarili nila ang resto ng mga Agoncillo that night.

May nabasa lang kaming comments na mabuti pa si Judy Ann at ang pamilya nito, may time for Sharon at sa pamilya naman nito. Si KC Concepcion daw, hindi man lang bisitahin ang mom niya, her stepdad and her siblings.

Hindi maiwasang ikumpara ng fans na mas may time siyang makipag-bonding sa dad niyang si Gabby Concepcion at sa mga kapatid niya sa ama. Nag-bonding kasi sina KC at mga kapatid na sina Sam at Garie sa resthouse ni Gabby sa Lobo, Batangas, kaya nagkaroon ng pagkukumpara.

Birthday ni KC today, April 7, wish ng fans ni Sharon, bisitahin niya ang mom niya and celebrate her birthday with her Pangilinan family. Puwede naman daw dalawang selebrasyon, kasama ang parents niya para masaya lahat.

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with