^

Pang Movies

Ellen, buntis na ba?

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ellen, buntis na ba?
Derek Ramsay at Ellen Adarna

Ang sweet naman ni Derek Ramsay na ‘di nakalimutang batiin ang misis na si Ellen Adarna sa birthday nito.

“Happiest birthday Mrs Ramsay. My love is with you always,” caption niya sa kanyang birthday greeting sa misis na dinagdagan ng “Ganda mo!!”

Pinost niya ang litrato ng nanay ni Elias na wala namang duda ang ganda nito. Kahit nga raw walang ayos ay lutang pa rin ang ganda niya.

May netizen naman na bumati sa aktres na nakapansin na tila quiet daw lately ang asawa ng aktor na parang buntis na raw yata ito. Na sana nga raw.

Maaalalang sinabi ng mag-asawa na gusto nila ng Dragon baby at sinusukang magkaanak ngayong Year of the Dragon. Itinigil na rin ni Ellen ang pagve-vape bilang paghahanda sa kanyang pagbubuntis.

Noong December naman nakaraang taon nilantad ni Derek na nagkaroon ng miscarriage si Ellen noong magbakasyon sila sa Spain.

Hindi rin nga imposibleng makabuo sila lalo na’t nagbakasyon sila noong February sa Antarctica na siguradong kasama sa kanilang pamamasyal ang pagtrabaho sa kanilang baby. Bongga.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with