^

Pang Movies

Aktor na brusko sa mga character sa TV at pelikula, lalaki ang hanap ‘pag nagpapamasahe

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Bruskung-brusko ang dating ng isang magaling na award-winning actor hindi lang sa personal kundi pati na rin sa roles niya sa TV at movies.

Pero mabait naman ang aktor sa personal niyang buhay  na taliwas sa roles na ginagampanan niya.

Eh sa nakakakilala sa aktor, alam nila ang sexual preference niya. Knows sa mundo na kinabibilangan niya ang tunay niyang pagkatao.

Masahe sa katawan ang pantanggal niya ng pagod at stress sa trabaho. Lalaki ang masahistang pinadadala sa kanya pag nag-request at kapag bago ang masahista, ang laging bilin ng aktor, “Please call me, Mama!” habang minamasahe.

Harmless naman ang aktor kahit nakakatakot pag kontrabida, huh!

Jose at Wally, may clamor na bumalik agad ng Canada

Well-attended ang shows at alagang-alaga sina Jose Manalo at Wally Bayola, pati na ang kasama nilang band membrs at manager ng dalawa na si Joel Roslin sa kanilang Canada Tour last Holy Week.

Kagabi ang last show nina Jose at Wally sa isang lugar sa Saskatoon, Canada at punum-puno ang venue ng tao. Enjoy na enjoy rin ang tao lalo na mga Pinoy na nanood ng show.

This early, may clamor na sa dalawa na bumalik para naman sa ibang lugar sa Canada. Eh dahil simpleng comedians lang naman sila Jose at Wally at walang masyadong demands, hindi nahirapan ang promoters ng kanilang shows na pakibagayan sila!

Sa Wednesday pa ang balik sa Eat Bulaga sina Jose at Wally.

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with