^

Pang Movies

Nadine, bet na bet ng Korean actor Park Min-Kyu!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Nadine, bet na bet ng Korean actor Park Min-Kyu!
Nadine

Aware kaya ang 30-year-old Viva star na si Nadine Lustre na meron siyang tagahangang kilalang personality sa South Korea, ang Netflix star at Single Inferno heartthrob na si Park Min-kyu, isang 6’3” 34-year-old police officer, search and rescue swimmer at at member ng Korean Coast Guard Sea Special Rescue Team.

Hindi marahil napansin ni Nadine si Park nang magkasama silang dumalo sa isang brand fashion event in South Korea not too long ago. Pero nabighani si Park sa ganda ng ex-girlfriend ni James Reid at hindi maiwasang i-post ang isang video nito with him at the back sa kanyang IG account.

He also posted that he’s a big fan of Nadine Lustre at ito’y nag-viral at umabot sa mahigit 1-million followers nang ito’y makaabot sa kaalaman ng fans ni Nadine na sobra silang kinilig. 

Hindi ini-expect ng Korean personality na magba-viral ang kanyang post about Nadine at dumami bigla ang kanyang fans and followers sa Pilipinas.

Although hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magkakilala in South Korea, looking forward ang binata na makilala nang personal ang Filipina singer-actress at celebrity endorser.

Based on the reaction ng fans ni Nadine, maganda siguro kung pagsasamahin ang dalawa sa isang movie project ng Viva Films na siyang home studio ng singer-actress.

Habang sinusulat namin ang column na ito ay kausap namin ang big boss ng Viva na si Boss Vic del Rosario at ipapa-contact umano siya ni Park Min-kyu for a project with Nadine.

‘Yun na!

Tanya, sasabak na ulit sa trabaho

Unknown to many, ang screen name ni Tanya Garcia ay nagmula sa dating President ng ABS-CBN na si G. Freddie Garcia.

Nang maging bahagi siya ng Star Circle 5 (now Star Magic), ay gamit ni Tanya ang tunay niyang apelyido na Lyttle. Nang malaman ito ni G. Garcia, siya ang nag-suggest na mahirap umanong bigasin ang kanyang family name kaya siya ang nag-suggest na gawin na lamang Garcia ang kanyang screen family name kaya pinalitan ang kanyang screen name to Tanya Garcia instead of Tanya Lyttle.

Nakapanabayan ni Tanya sina John Lloyd Cruz, Mark Solis, Baron Geisler, Kathleen Hermosa, Shaina Magdayao, Serena Dalrymple, Bernard Palanca, William Thio, Thou Reyes, Mark Vernal, Melissa Avelino, Lui Villaruz at iba pa.

Nang mag-asawa si Tanya, kanyang isinantabi ang kanyang showbiz career ay hinarap niya ang kanyang buhay may asawa laluna nang magkaroon sila ng mga anak. She made sure na naroon siya sa paglaki ng kanyang mga anak although hindi naman siya pinagbawalan ng kanyang mister na si Mark Lapid na ipagpatuloy ang kanyang karera bilang actress.

Since malalaki na ang mga anak nina Mark at Tanya ay nagbabalik-showbiz na rin ang huli at meron siyang upcoming movie under Viva Films.

vuukle comment

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with