^

Pang Movies

Rio, nahirapang bumitiw sa eksena!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Rio, nahirapang bumitiw sa eksena!
Rio at Ruru
STAR/File

Nag-trending ang video ng isang eksena nina Ruru Madrid at Rio Locsin sa seryeng Black Rider.

Makikita sa video kung gaano kagrabe ang buhos ng emosyon ng aktres na si Rio at sa sobrang bigat nito ay nadala siya.

Nagtuluy-tuloy ang paghagulgol niya kaya naman niyakap siya ng karelasyon ni Bianca Umali para tulungang kumalma at pati nga ang aktor ay hindi na rin mapigilan ang pag-iyak.

Unti-unti ring kumalma ang aktres pagkatapos siyang painumin ng tubig.

Wala talagang duda ang galing ni Rio na hindi na ito umaarte dahil totohanan na talaga ang iyak niya at hindi agad maiwan ang karakter niya.

Pero nagtaka ang mga nakapanood nito kung bakit walang medic na nag-asikaso sa kanya? Sa video ay si Ruru lamang at ibang katrabaho ang umalalay sa kanya kaya naman maraming haka-haka ang netizens sa nangyari.

Pero nagsalita si Rio tungkol dito dahil nabigla rin siya sa mga lumalabas na balita. Itinanggi niya na walang medic na tumutulong dahil anytime raw ay nandiyan lang ang mga ito.

Nagpasalamat naman siya sa mga concern ng mga nakapanood at sinabing “pamilya po kami na nagtutulungan, nagdadamayan at nagmamahalan.”

vuukle comment

RIO LOCSIN

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with