^

Pang Movies

Sam at Catriona, kinumpirmang may problema!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sam at Catriona, kinumpirmang may problema!
Sam Milby at Catriona Gray

Nagbigay na ng official statement ang Cornerstone Entertainment na siyang nagha-handle ng career nina Sam Milby at Catriona Gray hinggil sa napapabalitang hiwalayan ng engaged couple.

Kinumpirma ng nasabing talent management ni Erickson Raymundo sa Instagram page kahapon na totoong may pinagdadaanan ngayon ang relasyon nina Sam at Catriona pero sinusubukan naman daw ng dalawa na ayusin ang problema.

“We at the Cornerstone, as the talent management agency representing artists Sam Milby and Catriona Gray, would like to address the recent rumors surrounding their relationship,” ang simula ng official statement.

“While it is true that Sam and Catriona are currently facing some challenges in their relationship, they are actively working on resolving these issues together,” the management revealed.

Hiniling din ng Cornerstone na bigyan daw muna ng privacy ang magdyowa sa mga pagsubok na pinagdadaanan.

“We kindly request that everyone respect their privacy during this time as they navigate through this situation.

“We appreciate the concern and well-wishes from all those who have shown support for the couple,” pagtatapos ng naturang talent agency.

Matatandaang nagsimulang matsismis na hiwalay na sila nang mapansin ng netizens na hindi na suot ni Miss Universe 2018 ang kanilang engagement ring.

Nagpaabot naman ang kanilang supporters ng panalangin na sana’y malampasan nila Cat kung anuman ang problemang pinagdadaanan ng kanilang relasyon ngayon.

Annabelle, tinututukan ang pangakong pasabog

As we write ay inaabangan ng lahat ang pangakong pasabog ni Annabelle Rama tungkol sa isang tao na tinawag niyang ‘santa maniac.’

Last Tuesday kasi ay nag-post ang Gutierrez matriarch na napakainit daw ng ulo niya at gusto niyang manampal at manabunot ng tao.

Kaya naman abangers ang followers niya and showbiz people sa kanyang promise at kung sino ba ang taong tinutukoy niya.

vuukle comment

SAM MILBY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with