^

Pang Movies

Boyet, nabitin sa MIFF

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Boyet, nabitin sa MIFF
Boyet

Parang ang saya ng mga pumunta sa Los Angeles para sa Manila International Filmfest na ginawa doon.

Talagang nag-enjoy si Christopher de Leon kahit nga sandali lang ‘yung stay niya dahil meron siyang ginagawa sa bansa.

‘Katuwa na talagang suportado ng mga Pilipino doon ang mga ipinadalang entries at alaga nila pati na ang stars na nag-attend. Kaya naman tuwang-tuwa sina Alden Richards, Dingdong Dantes, Beauty Gonzalez, at si Christopher de Leon dahil nakita nila ang mga kababayan na talagang all out ang panonood ng mga pelikula.

Bongga.

Samantala, talagang gusto kong mag-thank you sa GMA. Nakita ko kung paano nila mahalin ang mga alaga ko.

Bongga ang promo ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis ni Bong Revilla. Talagang pukpok ang paglabas sa TV ng teaser. Alaga rin nila ang publicity.

On their own, kusang binigyan ng increase ng GMA ang talent fee ni Alfred Vargas kaya naman tuwang-tuwa ito. Ang sarap magtrabaho sa isang istasyon na feel mo na mahal ka kaya naman comfortable na comfortable ang talents ko sa trabaho nila.

In fairness naman alaga din ng ABS-CBN si Lorna Tolentino at Tonton Gutierrez kaya wala rin akong reklamo.

So happy na maayos ang career ng mga mahal kong alaga na parang mga anak ko na rin na nakita ko at nadama na nagmamahal din sa akin.

vuukle comment

CHRISTOPHER DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with