^

Pang Movies

Faith, hindi nawawalan ng pag-asang makakalabas ang ama

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Faith, hindi nawawalan ng pag-asang makakalabas ang ama
Faith Da Silva.
STAR/ File

Bata pa lamang ang Kapuso actress na si Faith Da Silva nang makulong ang ama niyang si Dennis Da Silva kaya hindi niya ito nakasama habang lumalaki.

Dahil nga raw sa pangungulila ay gumawa siya ng imaginary father noon.

“I remember before bata pa lang ako, meron akong imaginary father na kapag pinapagalitan ako ng mama ko o meron akong kaaway ganyan, kinakausap ko ‘yung imaginary father ko. Alam ko na ‘yung time na ‘yun hindi siya (totoo). ‘Sana nandito siya,’” pag-alala niya.

Noon pa raw niya iniisip kung kailan kaya siya magkaka-moment kasama ang daddy niya dahil alam niyang may kakaibang bonding ang kuya at mama niya.

“Hindi ko naman sinasabi na favorite ng mother ko ang brother ko, pero may dynamics kasi sa family na ‘yung mother and son may kakaiba talaga silang bonding ‘di ba? So, ako, iniisip ko talaga na kailan darating ‘yung I would have a moment with my dad.”

Maaalalang nakapiling niya ang kanyang tatay noong nakaraang buwan nang payagan sila ng kapatid na si Silas na bisitahin ito sa kulungan.

Sobrang weird daw ang naramdaman niya nang una silang magkita dahil nakikita niya ang sarili sa ama.

Naging emosyonal naman ang sexy star nang alalahanin niya ang mensahe sa kanya ni Dennis na “Mag-ingat kayo, mga anak. Mahal na mahal kayo ni Papa.”

Naniniwala raw siyang makakamit ng ama ang nararapat na hustisya.

vuukle comment

FAITH DA SILVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with