^

Pang Movies

Sassy Girl ni Toni at Pepe, ipalalabas na

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Sassy Girl ni Toni at Pepe, ipalalabas na
Toni Gonzaga at Pepe Herrera

Ngayong January 25, 2024 ay mapapanood na ang Philippine adaptation ng hit 2001 Korean film na My Sassy Girl. Ang local version ay tinatampukan nina Toni Gonzaga at Pepe Herrera, produced ng TinCan Films ni Toni and released ng Viva.

Ang nasabing pelikula ang magsisilbing first lead role ni Pepe magmula nang siya’y pumasok sa showbiz in 2016.

Pepe is Jose Nicolas Emmanuel Herrera sa tunay na buhay. At siya’y nagtapos ng Conservatory of Music sa UST kung saan siya naging bahagi ng Coro Tomasino, ang choral ensemble ng school.

Since he was a young boy ay mahilig nang kumanta at mag-perform si Pepe.  He started performing sa cruise ship pero na-realize niya ang kanyang passion in singing at teatro.

Ang kanyang pagiging bahagi ng Rak of Aegis musical play nung 2016 kung saan siya gumanap sa papel ng boatman na si Lito ang kanyang naging daan para mapasok ang showbiz.

Naging bahagi siya ng FPJ’s Ang Probinsyano at naging sunud-sunod na ang kanyang mga assignments on TV maging sa pelikula.

Si Pepe ay may dalawa nang anak sa kanyang partner na si Sarah Mallari.

Miles, gustong maging busy

Hinding-hindi makakalimutan ng dating child star na si Miles Ocampo ang petsang December 27, 2023 dahil dito niya tinanggap ang kanyang kauna-unahang acting award in her 20 years in showbiz bilang Best Supporting Actress sa 49th MMFF Gabi ng Parangal dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang Family of Two (A Mother and Son Story) na tinampukan nina Sharon Cuneta at Alden Richards at pinamahalaan ni Nuel Naval under Cineko Productions.

Si Miles ay nagsimula sa kanyang showbiz career when she was 6 years old.  She started as a commercial model ng isang hotdog brand at kasunod na rito ang pagpasok niya sa showbiz.

Tumatak siya nang husto bilang bahagi ng dating kiddie gag show na Goin’ Bulilit at nang siya’y grumadweyt sa programa ay nagtuluy-tuloy ang kanyang career hanggang sa kanyang pagdadalaga sa bakuran ng ABS-CBN.

Si Miles ay kasalukuyang nasa ilalim ng pangangalaga ng Crown Artist Management (CAM) na pinamumunuan ng mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nunez.  Siya’y regular na nanapapanood ngayon sa noontime program ng Tito, Vic & Joey sa TV5, ang E.A.T.

Para kay Miles, napakalaking karangalan para sa kanya ang kanyang pagkakapanalo ng Best Supporting Actress awards lalupa’t alam niyang mabibigat ang ibang nominees tulad nina Gloria Diaz for Mallari, Agot Isidro for Becky and Badette and Janella Salvador for Mallari.

Umaasa si Miles na mas magiging abala siya ngayong Bagong taon.

Wala na sa hitsura ni Miles na apektado pa siya sa breakup nila ng actor na si Elijah Canlas.

vuukle comment

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with