^

Pang Movies

Zeinab, naloka sa ginawa nila ni Derek

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Zeinab, naloka sa ginawa nila ni Derek
Zeinab Harake

Sa first movie ni Zeinab Harake na Kampon ay napasabak agad siya sa matinding love scenes with Derek Ramsay at aminado ang newbie actress na naloka siya since first time niyang gumawa ng ganitong eksena.

“’Yung scene po, medyo naloka ko,” sey ng newbie actress sa mediacon, “kasi first time ko talagang... honest lang po, first time ko pong nakipag-kissing scene sa hindi ko po partner, first time po ‘yun,” ani Zeinab sa grand mediacon ng Kampon held last Monday.

Dagdag niya, “but nu’ng naka-work ko po si Sir Derek, wala po akong masabi. Sobrang respeto po talaga niya, gina-guide niya po ako. Hindi lang po si Sir Derek, pati si direk King (Palisoc), ‘andodo’n po talaga sila to guide me, kung paano ko gagawin, kung paano ko kakayanin. Sana po, maganda po ‘yung kinalabasan.”

Sey pa ni Zeinab, napakaswerte raw niya na sa first project niya ay si Derek ang kanyang kapareha.

Pero bakit siya naloka? “Kasi po, ‘yung karakter ni Loreta, ang layo po nu’n sa Zeinab, eh. So, kailangan pong makita ‘yung expression ni Loreta du’n habang ginagawa ‘yun.

“So, ‘yun po talaga ‘yung pinakaunang tinatak ko sa isip ko habang ginagawa ‘yung eksena na ‘yun kaya medyo naloka ‘ko.

“Tapos nung nakita ko siya sa screen, nung napanood ko na ng very slight, du’n ako naloka. ‘Shit, sabi ko, ‘ako ‘to? Ako talaga ‘to?’” sabi ni Zeinab.

Feeling nga raw niya ay ka-level na niya si Anne Curtis at iba pang nakapareha ni Derek.

“Parang Anne Curtis, mga ganun’g level ‘yung mga napapanood ko with Sir Derek Ramsay, tapos, isa ako sa mga nabigyan ng pagkakataong magawa ‘yung mga ganu’n.

“’Di ko alam kung good ba ‘yun or bad or nakakatawa. Pero nailaban naman po. Kaya po abangan n’yo. Grabe ‘yung ginawa ko dito. Kaya sana, panoorin n’yo. Nilaban ko ‘to kaya ilaban n’yo ‘to,” natatawang sabi ni Zeinab.

Nahingan naman ng reaksyon si Derek sa sinabi ni Zeinab na naloka siya at paliwanag naman ng aktor, medyo intense raw talaga ang love scenes nila to the point na nagkagatan pa sila ng labi.

Pero bumilib daw siya kay Zeinab dahil parang hindi raw nito first time.

“Talagang she went straight into her character, talagang todo ‘yung eksena, and she delivered,” aniya.

“Pag-action, straight into it, kagat siya ng labi, kagat ako ng labi and parang rambulan talaga kami sa kama. Sobrang intense, inumpog pa niya ulo ko sa pader,” kwento ni Derek.

“Gaya ng mga other love scenes ko, sabi ko kay Zeinab na ‘let’s just do this in one take para hindi na maging awkward and nakita ko ‘yung transformation niya from Zeinab to her character, Loreta in a snap of a finger.

“So, mabilis natapos ‘yung eksena even though it was her first time to do something like that. Siguro natapos namin ang eksenang ‘yun ng 30 minutes but it was an intense 30 minutes,” sey ni Derek.

Sabi naman ni Zeinab, after ng take ay namula raw talaga ang mukha niya.

“Sabi ko, ‘grabe si Sir Derek.’ Ayun talaga ang nasabi ko,” natatawang tsika ni Zeinab.

Samantala, ang Kampon ay official entry sa Metro Manila Film Festival 2023 showing on Dec. 25. Ito ay mula sa direksyon ni King Palisoc under Quantum Films. Kasama rin sa pelikula si Beauty Gonzalez, Nico Antonio, Erin Espiritu at marami pang iba.

 

vuukle comment

ZEINAB HARAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with