^

Pang Movies

Viva kay Sharon talaga nag-umpisa!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Viva kay Sharon talaga nag-umpisa!
Sharon Cuneta

Noong nagdiwang ng 42nd anniversary ang Viva Films, nagpahayag ng pasasalamat ang Viva boss na si Vic del Rosario kay Sharon Cuneta dahil totoo naman na kung wala si Sharon, wala ring Viva.

 Nagsimula iyan nang kumanta si Sharon sa isang big promo ng pelikulang Langis at Tubig sa Cebu. Hindi nakarating noon ang bida ng pelikulang si Vilma, kaya si Sharon ang kumanta ng theme song, panahon ng Sinulog iyon.

At doon nakita ng mga producer ng Sining Silangan kung gaano kalakas ang hatak ni Sharon bilang isang singer, kaya naisipan nilang alukin siya ng pelikula.

Pero hindi pinayagan ni Mayor Pablo Cuneta na mag-artista ang anak. Pinayagan lamang niya iyon bilang isang singer. Pero si Sharon gusto talagang maging aktres.

Kaya’t nagharap ng pormal na offer ang Sining Silangan kina Vic del Rosario at Mina Aragon na siyang humahawak ng career noon ni Sharon. Maging silang dalawa ay kumbinsidong dapat ngang mag-artista si Sharon. Kaya nga pagdating nila sa Maynila, ang unang ginawa ni Mina Aragon ay tinawagan agad si Mayor Pablo Cuneta at kinumbinsing payagan nang gumawa ng pelikula si Sharon.

At doon ginawa ang pelikulang Dear Heart na naging isang napakalaking hit. Pero hindi kayang sundan agad iyon ng Sining Silangan dahil ang puhunan nila ay nakatali pa sa ilang pelikulang sabay-sabay nilang ginagawa noon.

Noon lumitaw ang ideya na mag-produce ang Viva ng follow up movie ni Sharon, kaya nga gamit ang pangalan ng kanilang anak na si Vina Vanessa, na namatay sa sunog ng kanilang bahay, itinatag nila ang Viva Films. Ang pera nila galing sa iba nilang kumpanya at nagsosyo rin si Mayor Cuneta ng 300 thousand pesos lamang.

Natapos nila ang ikalawang pelikula nina Sharon at Gabby Concepcion na PS I Love You na naging isa ring napakalaking hit.

Tapos noon nagkasunud-sunod na ang mga pelikula ni Sharon.

Ganyan ang naging simula ng Viva at ni Sharon, sabay silang lumikha ang ingay at pangalan sa industriya.

Pero maayos ang pamamalakad noon ni Boss Mina, alam niya ang lahat ng mga kaganapan hanggang sa mga column item na sinusulat ng mga kaibigan niyang writer.

Marami pa akong alam na kwento tungkol dito, pero kakapusin ang espasyong ito.

Aktor, hindi nadama ang ginawang kahalayan

Mabuti naman at mukhang nawala na nga yata sa mga sex sites sa internet ang isang scandal na ginawa ng isang male starlet ngayon noong araw na nagsisimula pa lamang siya.

Ang kuwento niya, may ka-chat lamang siya sa internet at nagkasundo silang pagpapakitaan ng kanilang sarili, hindi alam ng male starlet na ang kanila palang video chat ay inire-record na ng kanyang kausap.

Hindi nagtagal, kumalat iyon at naging dahilan kung bakit nawala rin ang scholarship niya sa kanyang pag-aaral.

May scholarship kasi siyang nakuha dahil siya ang naging model sa mga billboard ng kanilang iskuwelahan, pero nang lumabas ang scandal, inalis din ang mga billboard dahil makakasira iyon sa image ng iskuwela, at natural wala na rin ang scholarship niya.

Dahil kailangan din naman niya ng extrang pera para sa kanyang mga luho, noon siya nagsimula ng kanyang “sideline”. Noong una ay maliitan lamang, hanggang sa lumaon ay may nakilala na nga siyang mga mayayamang bading na nagbibigay sa kanya ng pera kaya nasusunod ang kanyang mga luho. Tapos may nakilala naman siyang isang bading na kumagat sa mas mataas na presyong hinihingi niya “para sa kanyang serbisyo”. Hindi naman niya nagawang tumanggi nang kunan siya noon ng mga sex video sa tuwing magse-sex sila. Malaki ang bayad eh. Hindi niya akalain na makukuha siyang support sa isang gay series sa internet. At ngayon ay takot nga siya dahil sisikat pa ba siya kung lalabas ang totoo na call boy siya at mapapatunayan ng mga pictures at video na kuha ng bading sa kanya?

Iyan ang sinasabi namin sa walang foresight, hindi nila iniiisip kung ano ang mangyayaring kasunod at ang mahalaga lang ay kumita sila nang malaki.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with