^

Pang Movies

Daniel, ‘di pinalampas ang nambato sa concert!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Daniel, �di pinalampas ang nambato sa concert!
Daniel

Emote na emote si Daniel Padilla sa kalagitnaan ng buhos ng ulan habang siya ay kumakanta sa isang show sa Davao. Nang biglang napansin niya sa audience na may isang nambabato ng bote. Hindi naman siguro nag-aaway ang mga iyon base sa reaksiyon ni Daniel, kundi parang may natuwa lang mambato.

Agad niyang tinawag ang atensiyon ng gumagawa ng kalokohan ay sinabihang “’yung namamato ng bote diyan, tigilan mo iyan. Nakikita kita.”

Tumigil naman siguro ang nambabato kaya itinuloy na lang ni Daniel ang kanyang pagkanta.

Iyan ang isa sa mga disadvantage sa concert na ganyan, lalo na at nauuso ngayong walang maayos na upuan at nakatayo lamang ang mga tao. Hindi mo kasi nakikita kung ano ang ginagawa nila. Nangyayari   iyong may nambabato, o may naghahagis ng kung ano at bahala na ang tamaan kung sino.

Maraming nanonood ng concerts at shows na walang disiplina kung hindi man masasabing talagang gumagawa ng gulo.

Mas ligtas ang manood ng shows sa closed venues.

Anjo, nasapawan ang supladong news presenter!

Napansin lang namin, mukhang habang tumatagal ay mas lalong napapansin ng mga tao ang news at weather presenter ng GMA 7 na si Anjo Pertierra. Lalo na ngayong mas nabibigyan siya ng exposure nang maging regular host ng Unang Hirit.

Si Anjo ay isang athelete, at model din bago nakuha at inilabas na news presenter ng GMA 7. Iba na kasi ang style nila sa mga news presenter ngayon, kailangang mga pogi rin at may utak. Sila kasi ay hindi lang pinakikinggan kundi pinanonood din. Mas nakaka-attract talaga kung may hitsura ang news presenter mo.

Pero may intriga, mukha raw nasasapawan na nang husto ni Anjo ang isa pang news presenter ng GMA 7.

“Kasi naman suplado. Walang kagiliw-giliw sa fans. Kung minsan at nakikita siya ng mga tao at nagre-request ng selfie, kung makatanggi siya ay ganoon na lamang at sasabayan pa ng salitang “hindi po parte ng trabaho ko ang makipag-selfie.”

Kaya ngayon natatabunan na siya ni Anjo na marunong makisama sa masa. Ang market nila ay ang masa, parang matinee idols lang sila sa pelikula eh.

Ano mang hitsura mo kung suplado ka naman walang papansin sa iyo.

Liza at Julia, in-unfollow si Kathryn!

In-unfollow na raw nina Liza Soberano at Julia Barretto si Kathryn Bernardo sa kanilang social media account.

Ang unang tanong, bakit nga ba sila kailangang mag-follow? Magkakaibigan ba silang talaga? Magiging kabawasan ba kay Kathryn kung mag-unfollow sila? Siguro natanggap na nilang naiwanan na nga sila nito.

Hindi naman maikakailang kahit na noon hindi nila naabot ang inabot ng career ni Kathryn. Wala sila sa kalahati ng kita ng mga pelikula nito.

Wala rin sila sa kalahati sa actual na bilang ng fans ni Kath, at ngayon si Kathryn kahit na sinasabi ng iba na walang kakuwenta-kuwenta ang nagparangal sa kanyang award-giving body, aba hindi maikakailang naging best actress siya.

Ogie, nabiktima rin ni Vice

Nagulat kami sa isa na namang hindi nakakatawang joke ni Vice Ganda. May nagsabi na kung ang isang tao daw ay sinisinok, ibig sabihin lumalaki pa siya. Sukat ba namang balingan ni Vice si Ogie Alcasid at sinabing “ikaw kahit na kailan hindi ka sinisinok ano.”

Dinaan na lang sa tawa ni Ogie hindi naman kasi siya makahirit pa. Pero katatawanan ba kung hindi siya matangkad? Sabihin na natin oo hindi nga matangkad si Ogie pero kailangan mo ba siyang insultuhin sa harap ng publiko?

Siguro sasabihin ni Ogie hindi naman siya nainsulto, pero dapat bang magsalita nang ganoon si Vice para makapagpatawa lang?

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with