^

Pang Movies

Andrea, isang taon nang walang lalaki!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Andrea, isang taon nang walang lalaki!
Andrea

Ipinagdidiwang ngayon ni Andrea Brillantes ang one year na niyang pagiging single.

Matatandaan kasing June of last year nang umamin si Ricci Rivero na break na sila ng aktres.

Kaya naman binabati ngayon si Andrea ng kanyang friends for staying single sa loob ng isang taon.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi pa ng aktres ang larawan ng cake na regalo sa kanya ng dalawa niyang best friends na sina Bea Borres at Danica Ontengco.

Makikita sa cake ang nakasulat na “congratulations! You’ve made it through an entire year, which is 365 days, without a boyfriend. Good job!”

Caption ni Andrea sa larawan, “OA sa pagiging supportive ramdam kahit nasa states.”

Ipinost din ni Blythe ang larawan ng isa pang cake na ibinigay sa kanta na may nakasulat namang “happy singlesary.”

Caption naman ng aktres, “tama na pagpapadala ng cake di ko birthday! Kaasar.”

She also wrote, “Happy Independence Day at Happy Anniversary sakin emz.”

Chito, mas gusto pa ring tumugtog

Nagdesisyon na si Chito Miranda, frontman ng Parokya ni Edgar na magpo-focus na lang siya sa kanyang banda at hindi na muna tatanggap ng TV shows.

Matatandaang naging judge si Chito ng Idol Philippines Season 2 noong 2022 at naging coach ng The Voice Generations last year.

Sa kanyang mahabang Instagram post, sinabi niyang nami-miss niya ang mga nakasama sa nasabing dalawang shows na sina Julie Anne San Jose, SB19’s Stell, Billy Crawford, and Dingdong Dantes ng The Voice Generations, at sina Gary Valenciano, Robi Domingo  Moira dela Torre and Regine Velasquez ng Idol Philipines Season 2.

Pero, masyado raw kinakain ang oras niya ng mga show na ito at hindi na nakakasama sa mga gig g Parokya ni Edgar.

Sa huli, ayon kay Chito ay mas gusto raw niya ngayon na makasama ang kanyang pamilya at tumugtog na kasama ang kanyang bandmates.

“And right now, nasa point ako ng buhay ko na mas trip ko na tumambay lang kasama ng pamilya ko, at tumugtog kasama ng mga kabanda ko.”

Pagtatapos pa ng asawa ni Neri Naig, “Walang iwanan sa Parokya. Rakenrol.”

vuukle comment

ANDREA BRILLANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with