^

Pang Movies

Mabigat ang laban... Kim, nag-request ng boto para sa Asian Star Award

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Mabigat ang laban... Kim, nag-request ng boto para sa Asian Star Award
Kim Chiu

Talagang when it rains it pours for Kim Chiu.

Nominated nga si Kim Chiu sa 2024 Seoul Drama Awards for Asia Star Award.

“Sana po maboto nyo ako,” tweet ni Kim tungkol dito.

Pagbobotohan ang mga nanalo sa Asian Star Award at Drama OST Award sa Seoul Drama Awards 2024 kung saan kasama si Kim sa mga nominado mula sa iba’t ibang mga bansa.

Kabilang sa kalaban ni Kim ang mula sa Thailand – si Blue Pongtiwat Tang­wancharoen, na kilala sa Ready Set Love at Poomipat Iam-samang, na naging bida sa remake ng Korean drama na Start-Up. Ganundin ang Malaysian actress na si Emily Chan, Singaporean actor Desmond Tan, at Indonesian actress na si Ochi Rosdiana.

Full force naman kaagad ang fans ni Kimmy para bumoto para manalo si Kim.

Congrats in advance, Kimmy.

Ruffa, proud na ‘di na mahiyain ang anak

Ang ganda ng boses ni Venice Bektas, daughter ni Ruffa Gutierrez.

Sa kanyang Tiktok video grabe kaboses niya si Billie Eilish.

Parang lip sync, pero live ang video niya.

Ang galing.

Kaya kahit ang followers niya sa TikTok ay nagulat na angelic ang boses ng anak ni Ruffa.

Aside from her voice, ang pretty ni Venice.

Kaya talagang dagsa ang mga nag-comment na bumilib sa kanyang boses sa 15-second video.

Kaya naman proud mommy si Ruffa at nag-share sa kanyang Instagram account ng “The voice of an angel. My beautiful Venice.  It’s your turn to shine!! @venicebektas.”

Happy rin si Ruffy na hindi na mahiyain ang anak na bunso.

“Yayyyy!!! Hindi na siya shyyy,” sagot niya nang mag-comment ako.

Anyway, sa June 24 pa ang birthday ni Ruffa pero nagkaroon na siya ng birthday fiesta.

Isang meaningful advance birthday celebration.

“I spent last Saturday morning making unforgettable memories with 100 vulnerable children and their families through the @kidsforjesus_foundation

“We sang praise and worship songs, played games, danced, had a super fun pa-raffle and ate delicious Pinoy bbq chicken for lunch.”

nilabas ang damdaming nagtatalik sa misis

Carlo walang paki sa paladesisyon

“Umaapaw ngunit tahimik

“Kaakibat ng mga damdaming nagtatalik..,” ang caption ni Carlo Aquino sa isang photo - video post nila ng misis niya ngayong si Charlie Dizon.

Obviously, wala siyang pakialam sa mga tinatawag na paladesisyon sa social media.

Ito ‘yung mga social media users na parang alam ang buhay ng mga celebrity na kung mag-comment, as if magkakasama sila sa bahay at ganun na lang kung siraan ang bagong kasal.

Ian, ipinagmalaki ang anak na tibo

“Who she loves is her business,” sabi ni Ian Veneracion sa caption para sa anak na si Deirdre or “Dids” na miyembro ng LGBTQ community bilang isang proud daddy.

Ang buong caption ni Ian : “Seriously, let’s all just cut the bullshit. People should be honored and respected for their compassion, courage, and integrity—not for the choices they make in the privacy of their bedrooms. Proud of my daughter for embodying these values. Who she loves is her business.-Proud Daddy.”

Pinagdiriwang ang buwan ng June bilang Pride Month na nagpapahalaga sa Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender and Queer (LGBTQ).

Noon pa very vocal ang actor na suportado niya ang anak na isang lesbian.

Nang tanungin siya kung okay lang na magustuhan niya ang mga babae, sinabi ni Ian na,“Yes. Don’t ever be apologetic about it, not even to me. You can be whoever you want to be and (you have my) full support,” aniya sa isang interview.

Piolo, bumida sa ika-30 anibersaryo ng Cinema One

Ipinagdiriwang ng Cinema One ang 30 taong paghahatid ng iba’t ibang pelikulang Pilipino sa mga manonood sa paglulunsad ng Laging Kasama music video tampok si Piolo Pascual.

Inilabas ang music video ng Laging Kasama sa Cinema One Facebook page at YouTube channel kung saan makikitang umaawit si Piolo habang ipinapakita ang ilan sa hindi malilimutang Filipino films. Ipinalabas din ang music video sa ABS-CBN channels nitong Miyerkules.

Bukod sa kanilang anniversary theme song, ihahandog din ng cable channel ang iba’t ibang blockbuster at classic Pinoy films na libreng mapapanood sa YouTube simula Hunyo 12 hanggang 30.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with