^

Pang Movies

Billy, inutusan ng tatay na humingi ng tawad kay Vice   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Billy, inutusan ng tatay na humingi ng tawad kay Vice              

Nasaksihan ng madlang people at manonood ng It’s Showtime ang pagbabati nina Vice Ganda at Billy Crawford kahapon sa live broadcast ng show.

Napanood si Billy bilang guest sa performance ni Vice Ganda para sa Magpasikat 2023 14th anniversary celebration.

Matatandaang nagkaroon ng falling out sina Billy and Vice Ganda matapos umalis ang una sa It’s Showtime kaya naman marami ang nagulat sa biglang pagsulpot ng una sa show.

After the performance, inanunsyo ni Vice Ganda na okay na sila ni Billy. “Okay na okay na kami ni Billy. Pero hindi kasi kami ‘yung tipong… ‘di ba? Basta okay kami,” sey ni Vice.

Nagkaka-text-an daw sila ni Billy pero ang guesting nito ay biglaan na lang daw nangyari. Nagkaroon daw siya ng idea nang makita ang concept ng performance nina Anne Curtis na tungkol sa healing. “Bigla kong naisip, sabi ko, ‘hmm, parang I think maganda ‘yung kung hindi lang natin sinasabi ‘yung salitang healing. ‘Yung ipinaparamdam din natin para maramdaman nu’ng ibang tao na hindi lang siya sinasabi, kailangan, ginagawa siya at sinisimulan.

“And Billy’s presence here today and the madlang people knowing na we are okay, baka mag-inspire ‘to sa inyo na mag-heal din. Baka it’s about time, baka kaya n’yo na rin, ‘di ba? Na makipag-reconcile lalong-lalo na sa mga taong mahalaga sa inyo. Kasi si Billy is one very important person sa buhay ko,” pahayag ni Meme Vice.

She added, “regalo natin ‘to sa madlang people na makita nila tayong magkakasama ulit.”

May taping nga raw si Billy nang oras na ‘yun ng The Voice at gumawa raw talaga ng paraan ang dati nilang co-host para makapunta sa anniversary presentation. “Sa sobrang kagustuhan niyang magpunta dito, siya talaga ang gumawa ng paraan para naririto siya kasi sabi niya, utang niya ‘to sa madlang people, gusto niya talaga kayong makita and we super appreciate it,” sey pa ni Vice.

Sabi naman ni Billy na by the way ay kasama rin ang misis na si Coleen Garcia na dati ring co-host ng show at ang kanilang anak, marami raw siyang naging realizations nitong naraang buwan.

Kababalik lang daw niya mula sa States at nagkita rin sila roon ng kanyang American father. At isa raw sa bilin nito sa kanya ay makipag-ayos kay Vice.

“Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan ang tatay ko sa mundong ito. Pero nagpa-realize sa akin, alam mo ba ang bilin niya sa akin is mag-ayos tayo,” saad ni Billy.

“Nu’ng sinabi ng daddy ko na ang request niya was part of that, it’s beyond my control, it’s beyond Vice’s control. I think, lahat ‘to, it was orchestrated by God,” he said.

Sinabi rin ni Billy kung gaano ka-memorable sa kanya ang It’s Showtime dahil dito raw niya na-meet ang napangasawang si Coleen.

Regarding sa tampuhan nila ni Vice, normal naman daw sa isang pamilya ang nagkakaroon ng away at tampuhan.

“Pero at the end of the day, in God’s time, Siya na rin ang bahalang mag-aayos,” he said.

Kasunod nito ay humingi si Billy ng paumanhin kay Vice, sa buong It’s Showtime family at sa buong madlang people. “On my end, I want to say ‘I’m sorry, I’m sorry madlang people, I’m sorry Kapamilya,” seryosong sabi ni Billy.

“Nagpapakumbaba lang ako na gagawin ko kasi ang lahat para sa aking pamilya,” he added.

Nagpasalamat din siya sa suporta ng madlang people at mensahe niya ulit kay Vice, “I just wanna say, Vice, I love you.”

Mahigpit na nagyakapan ang dalawa sa gitna ng palakpakan ng lahat.

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with