^

Pang Movies

Naipong datung ng dating sexy actor, tinangay ng scammer!

Gorgy Rula - Pang-masa
Naipong datung ng dating sexy actor, tinangay ng scammer!
Anton Bernardo

MANILA, Philippines — Nakakaawa rin pala ang kalagayan ngayon ng dating sexy actor na si Anton Bernardo, dahil sa nabiktima rin pala siya ng isang scammer na tumangay ng naipon niyang P400K.

Na-curious ang karamihan sa ipinost niya sa kanyang Facebook account tungkol sa isa raw manlolokong bakla.

Aniya, “Nalulungkot ako dahil ang dami na ring scammer at manlolokong bakla! Meron pa kayang mayaman na matino at matulungin.”

Naintriga ang mga kabadingan sa post na ‘yun na ang buong akala nila ay naghahanap ng mayamang bakla na magsusustento sa kanya.
“Hindi ako naghahanap ng bakla! Tinatanong ko lang kung meron pang ganoong bakla,” mabilis niyang sagot nang tinanong siya ng ka-PEP Troika kong si Jerry Olea.

Nilinaw ni Anton na hindi na raw talaga siya nagda-drugs.
Nalulungkot lang daw siya dahil nahihirapan siya ngayon gawa ng natangay nga raw ang inipon niya ng isang baklang scammer.

Dito rin niya nakilala ang mga kaibigang bumibitaw na pagdating ng kagipitan.

Nakakuha naman daw siya ng mga taping, kagaya nung isinama siya sa Bolera ni Kylie Padilla. Ang talent fee pa raw niya roon ay P15K per day. Hindi na ‘yun nasundan.

May staff daw ng isang show sa Kapamilya channel na gusto siyang kunin, pero P5K per day lang daw ang talent fee.

“P5K per taping ang talent fee. Sabi nila, ‘Wala kaming pakialam kung naging best actor ka! Hindi ka na famous ngayon, e! Ito lang ang budget namin, take it or leave it!’ sabing ganun?!

“Masama ang loob ko na hindi tinanggap dahil pakiramdam ko, gipit na nga ako, lalo pa nilang ginigipit!” himutok ni Anton.

“Ipinagdarasal ko na sana, magkatrabaho na ako asap, kahit na ano, basta pagkakaperahan.

“Ipinagdarasal ko rin na sana ay meron nang mag-manage sa akin. Ang hirap ng walang manager,” pahayag ni Anton Bernardo.

vuukle comment

ANTON BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with