^

Pang Movies

Faith da Silva, inaming nagkagusto kay Albert!

Salve V. Asis - Pang-masa
Faith da Silva, inaming nagkagusto kay Albert!
Faith

MANILA, Philippines — Naungkat kay Faith da Silva ang hindi matapus-tapos na intrigang nagkaroon sila ng relasyon ng senior actor na si Albert Martinez nung gumanap silang mag-asawa sa natapos na teleserye ng GMA 7 na Las Hermanas.

Oo nga at 40 years ang age gap nila – 22 si Faith at 62 si Albert, naging maingay ang issue noon sa kanila habang nasa lock-in taping ng nasabing teleserye.

The other night, sa media conference ng teleseryeng Maging Sino Ka Man na pinagbibidahan nina David Licauco and Barbie Forteza kung saan isa siya sa kontrabida, nagsalita siya tungkol dito.

Dire-diretso ang paliwanag niya. “Akala ko nasagot ko na ito hindi pa pala.

“Hindi, ‘yun nga po syempre ‘yung kay Direk Albert (Martinez), I can only answer for myself ‘di ba. Kung ma-fall siguro masyado pong malalim ‘yun para sabihin kong ma-fall ako.

“Pero ‘yung appreciation ko sa kanya at siguro ‘yung pagkagusto ko sa kanya nung mga time na ‘yun, it was really there.

“It was apparent naman sakin pero ‘yun nga mahirap ‘yung sitwasyon kasi syempre biyudo po siya at saka mahal na mahal niya po talaga ‘yung wife niya.

“Na kapag nag-uusap po kaming dalawa, siya po talaga ‘yung lagi niyang kinukwento. So syempre ako rin naman bilang respeto ko sa relationship nila,” umpisa ni Faith na sa true lang ay parang hawig kay Pia Wurtzbach.

“‘Di ba ang tagal din naman po nila. Saka minahal talaga nila ‘yung isa’t isa. Hindi ako sa papagitna or kahit wala naman na akong papagitnaan parang I don’t want to be involved in it. So wala? Opo. Siguro dala na rin ng paghanga mo sa kanya? Siguro po ganon kasi aside from him being a director, bilang isang artista na kilala talaga.

“‘Yung pagkatao niya mabait po talaga siya eh. He’s a gentleman. At saka syempre nung mga time na ‘yun galing po siya ng ABS-CBN eh. So sino naman po ang mag-aakala na magkakaroon pala kami ng partnership.

“At saka ‘yung role ko po or role po namin doon sa Las Hermanas eh mag-asawa kami. So siguro mahirap din pong sabihin na ‘di ba kahit sino naman po…”

Nadala ka?

“Siguro po kahit papano ‘di ba.”

 Dumating ba sa point na may MU?

“MU po, kapag kasi po MU ibig sabihin kahit papaano may label na kayo. ‘Yung sa amin po hindi ko masasabi na MU po sya.”

Itinanggi rin niyang umabot sila sa dating stage.

Eh sa lock-in?

“Syempre kasi kasama rin ‘yun sa trabaho na ginagawa namin at saka for promotion din ‘yun ng Las Hermanas. So ako grateful ako and happy ako na na-appreciate ng mga tao at saka nakita nila ‘di ba na uy bagay pala and pwede naman pala. And bukod po siguro doon sa partnership namin dito sa Las Hermanas eh mas nakilala ko siya bilang isang tao. Napakalalim ng character niya at napakamabuti niya pong tao. Ayun lang masasabi ko.”

Sa ngayon ay bakante ang puso niya.

Matagal-tagal na rin aniya.

Nag-aaral daw siya ngayon at ga-graduate na siya sa Grade 12.

“Everything is online po. So grateful ako syempre sa mga teacher ko and principal namin. Grade 12 na po ako. Last year ko na. Last year ko na kasi after ko mag Senior High School meron sana akong mga plano na gusto kong i-try gawin. Ayaw ko lang po muna syempreng magsalita ngayon ng tapos ‘di ba. Kailangan ko munang matapos ‘yung grade 12 ko bago ako magbigay ng any comment about it.

“Pero ang masasabi ko lang po may mga bagay ako na gusto kong gawin in the future at para magawa ko po ‘yun ng excellent gusto ko maging prepared ako in every area of my life,” pahayag niya sa mga kaharap na entertainment press.

Catch the world premiere of Maging Sino Ka Man — under the helm of director Enzo Williams — Mondays to Fridays at 8:00 p.m. on GMA Telebabad and at 9:40 p.m. on GTV.

Parang boses daw ni Anne... Vice, may patama sa korapsyon!

Benta ang pagkukumpara ni Vice Ganda sa boses ni Anne Curtis sa korapsyon. Sa isang segment ng It’s Showtime ay humirit si Vice sa kanta ni Anne na Sana Maulit Muli ni Gary Valenciano. “Ang ganda-ganda na ng kantahan kanina. Ang ganda na, nag-Darren, nag-Martin, nag-Gary, nag-Eric Santos,” komento ng Unkabogable star.

Buwelta ni Anne : “Bakit? Bakit mo ba laging binabasag ’yung trip ko?”

“Ayaw mong binabasag namin ang trip mo pero lagi mong binabasag ang eardrum namin,” biro pa ni Vice kay Anne.

“Sobra ka naman makapagsalita, ang ganda-ganda na kaya ng boses ko. Nagpalakpakan nga ‘yung madlang people eh,” sabi ulit ni Anne.

“Jusko, nagpalakpakan? ‘Yung boses mo parang korapsyon, hindi namin gusto nasanay na lang kami,” hirit ng main host ng It’s Showtime.

Well, hindi malayong may pinariringgan si Vice.

vuukle comment

FAITH DA SILVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with