^

Pang Movies

Nadine, 10 years namahinga sa acting  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Nadine, 10 years namahinga sa acting           
Nadine

Ten years na nagpahinga sa pag-arte si Nadine Samonte dahil nag-focus ito sa kanyang pagiging isang asawa at ina sa tatlong anak. Tamang-tama lang daw ang pagbalik niya sa GMA dahil magce-celebrate ng 20th year ang kinabilangan niya noon na rea­lity artista search na StarStruck.

Kinuwento ni Nadine na pumila raw siya para mag-audition sa StarStruck noong 2003.

“Isa ako sa pinakahuli sa pila sa last day ng audition. Pinakanta, pinasayaw at pinaarte ako. Para ngang mas mahaba pa ‘yung pinila ko kesa sa ginawa ko sa audition. Kaya noong sabihin na nakapasok ako, siyempre natuwa ako. Umabot ako hanggang Top 6. Kahit na hindi ako nanalo, maraming nagbukas na opportunities sa akin na naging malaking tulong sa pamilya ko that time,” pag-alala ni Nadine na nagbabalik sa paggawa ng teleserye sa GMA via The Missing Husband.

 Nagbida noon si Nadine sa mga teleserye na Ikaw Sa Puso Ko, Leya Ang Pinakamagandang Babae Sa Ilalim Ng Lupa, My Guardian Abby, Super Twins, Kung Mahawi Man Ang Ulap, Maging Akin Ka Lamang, Tinik Sa Dibdib at My Lover, My Wife.

Rocco, wala nang luho

Nagpapasalamat si Rocco Nacino dahil sa mga natatanggap niyang mga payo sa pagiging isang ama mula sa kapwa niya mga daddy tulad nina Dennis Trillo, Rodjun Cruz, Carlo Gonzales, Mark Herras, Joross Gamboa at Dingdong Dantes.

Ayon kay Rocco ay puwede na raw sila magtayo ng Daddy’s Club dahil tuwing nag-uusap daw sila, tungkol sa kanilang mga anak ang topic nila.

Naniwala na raw si Rocco sa mga sinabi sa kanya na mag-iiba ang priorities niya kapag nandiyan na ang kanyang anak.

‘Yung mga dating luho raw niya noong single siya ay napalitan na ng mga pangangailangan ng anak niya.

“Parang sinasabi ko na, ‘Ay ito pala ‘yung sinasabi nila na sabi nila mababago ang priorities mo, mababago ‘yung motivation mo, tsaka para makapag-provide. It changes.

“Kaya goodbye sa mga kotse, goodbye sa mga relo, sa mga luho. Tsaka ‘yung pagod mo, kahit anong pagod mo galing sa taping, pag-uwi mo, makita mo lang ‘yung ngiti ng bata, wala, buhay ka na ulit,” sey ni Rocco na isa rin sa mga bida sa GMA afternoon teleserye na The Missing Husband.

Leonardo Dicaprio, may dini-date na italian model! 

After ng kanyang short-lived romance with Gigi Hadid, may bagong dine-date si Leonardo DiCaprio na 25-year-old model named Vittoria Ceretti.

Nakita ang dalawa na bumibili ng iced coffee at ice cream sa Santa Barbara, California. Naka-baseball cap, white shirt at cargo shorts si Leo samantalang naka-long-sleeved white shirt and black athletic shorts si Vittoria.

Huling nakita si Leo with Gigi ay noong nakaraang July lamang sa Hamptons. Kaibigan naman ni Gigi ang dine-date ngayon ni Leo na si Vittoria.

 Italian model ito na na-discover noong 2012 through the Elite Model Look model contest.

Kinasal si Vittoria sa DJ na si Matteo Milleri noong 2020. Pero naghiwalay sila noong nakaraang June at meron silang pending divorce.

vuukle comment

NADINE SAMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with