^

Pang Movies

Vice, pinaalalahanan ng MTRCB?!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pang-masa
Vice, pinaalalahanan ng MTRCB?!
Vice
STAR/ File

Pinaalalahanan ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kamakailan ang lahat ng Television (TV) networks, blocktimers, producers, at distributors na tiyakin ang mga suot ng mga talent ay ligtas at angkop sa kanilang mga gagawin.

May inilabas nga ang MTRCB na Memorandum dahil daw sa magkakasunod na wardrobe malfunctions sa ilang live TV programs.

Na tiyak applicable rin ito sa mga ginagawa ng ibang TV host.

Kagaya nga ng nasabi na namin, ang It’s Showtime na isang live show ay maaaring hindi nila napapansin pero tulad ng mga puna ng iba, parang lumalampas na si Vice Ganda sa kagandahang asal.

Ayon sa Section 8, Chapter V ng Implementing Rules and Regulations of the Presidential Decree No. 1986, ang mga live television programs tulad ng noontime variety shows at talk shows, ay kinakailangan na mag-superimpose ng katagang Parental Guidance (PG) sa TV screen sa buong airing ng programa.

Klarong-klaro ang paalala ng MTRCB.

GMA 7, hindi nag-cover ng kasalang Arjo at Maine?!

Naikasal na rin sina Maine Mendoza at Arjo Atayde, itinuloy rin nila ang kanilang kasal sa Alphaland Mountain Lodge chapel, sa kabila ng patuloy na mapaminsalang bagyong tumama roon.

Ganoon pa man, sinasabi nilang nang bumukas ang pinto ng simbahan at pumasok si Maine na suot ang isang simpleng puting bridal gown, nagmukha iyong isang fairy tale.

Nakunan iyon ng TV Patrol pero dahil sa pakiusap ng mag-asawa hindi pa inilabas ng coverage.

Wala roon ang GMA 7, na nilayasan na rin si Maine nang sumama siya sa Original Dabarkads ng show nila. May video footage ang TV5 na ilalabas din ng programang E.A.T ng TVJ sa TV5.

Male starlet, nabaliw sa matinee idol

Napilitang magladlad ng kanyang kapa ang isang male starlet na gutay-gutay na kahit na hindi pa siya sumasali sa isang santacruzan, kasi nga talagang nabaliw siya sa isang poging matinee idol.

Ang matinee idol pala ang talagang dreamboy niya noong araw pa, at kaya siya pumapatol sa mga bading ay para makaipon ng pera na ibibigay naman niya sa crush niyang matinee idol kung magkakaroon siya ng pagkakataon.

Nagkaroon siya ng pagkakaton nang minsang makasabay niya ang matinee idol sa isang watering hole na sikat sa Taguig. Pinainom niya iyon nang pinainom hanggang sa malasing na, at saka ang naipon niya sa kanyang GCash galing sa bading na naging customer niya, umabot na iyon sa P100, 572 ay mabilis niyang inilipat ang P100K sa GCash ng matinee idol, kaya nagpaubaya na rin iyon. Ngayon papasada raw ulit sa mga bading ang male starlet, para may maibigay ulit siyang malaking halaga sa matinee idol basta nagkita lang sila ulit.

vuukle comment

TV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with