^

Pang Movies

Marco, the one na si Cristine!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Marco, the one na si Cristine!          
Cristine at Marco

Ang sweet-sweet nina Marco Gumabao at Cristine Reyes sa screening and mediacon ng bago nilang serye with Cesar Montano na Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan na ieere sa TV5.

Ito ang first series nila as a couple at puring-puri ni Marco ang acting ng girlfriend. “Dati pa lang sa Tubig at Langis, starstruck na talaga ako sa kanya, eh. Magkapatid pa ‘yung role namin. Pero of course, when you see her act, talagang imposibleng hindi ka madala, eh. Kasi talagang magaling talaga si Cristine,” sey ni Marco.

Natanong nga rin kung dito ba sila sa seryeng ito nagsimulang ma-develop sa isa’t isa, sey ni Marco ay hindi raw and before this series pa nang magsimula ang closeness nila.

Sa pilot week ng serye na ipinapanood sa press ay may eksenang nag-propose si Marco kay Cristine kaya natanong ang dalawa kung nakikita na rin ba nila ang sarili nila hanggang sa dulo na.

Sambit ni Cristine, “ang aga.”

Sey naman ni Marco, “oo naman, of course, ako nakikita ko. Hindi naman ako magsasayang ng oras kung hindi ko nakikita ang tao for the endgame.”
Ayon pa sa binata, ilang taon na rin siyang single pero sa tingin daw niya ay ngayon lang niya nakita ang kanyang right one.

“Ilang taon na akong single, ‘di ba? At laging tinatanong sa akin ng press kung ‘bakit ka pa single?’ ‘Bakit ayaw mong mag-girlfriend?’ Eh kasi, hinihintay ko ‘yung right one para sa akin. And I think and I feel it’s Cristine,” sabi ni Marco na ikinakilig ng mga tao sa mediacon including Cesar.

Anyway, ang Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan ay ‘80s classic love story movie na pinagbidahan noon ng mga titingalang artista sa industriya na sina Vilma Santos, Christopher de Leon, at Eddie Garcia na ngayon nga ay ire-revive nina Cristine, Marco and Cesar bilang isang TV series.

Mapapanood na ang serye Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan simula Hulyo 25, Lunes hanggang Biyernes, 4:40 p.m. sa TV5 at 8 p.m. sa SARI SARI Channel, available sa Cignal TV, SatLite Ch. 3, at Cignal Play.

Ogie, may sagot sa demanda ni Sabrina M.

May sagot ang talent manager/vlogger na si Ogie Diaz sa tsikang kasama siya sa sasampahan ng kaso ni Sabrina M.

Sa latest vlog ni Ogie ay biniro siya ng kasamahang si ate Mrena na kasama raw siya sa idedemanda ni Sabrina.

Natatawang sabi ni Ogie, “ano naman ang kadema-demanda sa sinabi ko?”

Aniya pa, “sabi ko lang, huwag gamitin naman ‘yung patay, Diyos ko naman. Hindi na makakabangon si Rico Yan para gamitin at para pabulaanan or aminin o i-claim ‘yung kanyang ano, claim.”

Pero kung gusto raw magdemanda ni Sabrina ay okay lang.

“Kung gusto niyang magdemanda, di magdemanda siya. ‘Di ba? Kung ‘yan ang makakapagpasikat at makakapagpabalik sa kanya ulit sa industriya, go!” sey ni Ogie.

Balita nga rin daw niya ay idedemanda rin sina Katrina Paula, Claudine Barretto at Cristy Fermin.

Sa huli, ani Ogie, “sana, wala nang dema-demanda, pwede namang magkasundo. Diyos ko naman. Napag-uusapan naman ‘yan. Pero kung feeling niya, tama ‘yon, eh wala naman tayong magagawa.”

vuukle comment

CRISTINE REYES

MARCO GUMABAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with