^

Pang Movies

Baguhang young actress na bida agad, nadiskubre ang pagiging lukaret

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Lukaret din pala itong baguhang young actress na nabigyan kamakailan ng kanyang network ng lead role.

Siyem­pre, ‘pag lead ka, marami kang eksena muna sa simula ng taping hanggang sa pagtatapos ng taping.

Eh dahil siya ang bida, maya’t maya ay may eksena siya. Pero habang nagtatagal ang taping, aba, umaangal na ang young actress sa trabaho, huh!

Maya’t maya kapag hindi niya eksena, tumatawag siya sa kaibigan, kinakausap at umiiyak-iyak na nagrereklamo sa trabaho. Hindi na raw niya kaya!

Eh dahil sa ugali ng young actress, hayun, medyo tinabangan sa kanya ang executive ng programa. Nag-iisip pa ang programa executives kung bibigyan pa siya ulit pa ng lead role dahil sa ugali niyang madaling mapagod sa trabaho!

Marian, nagpa-throwback ng kaseksihan

Nag-throwback si Marian Rivera noong panahong tinanghal siya bilang sexiest woman  ng dating FHM magazine.

Inilabas muli ni Yan ang litrato niyang seksing seksi sa pulang kasuotan!

Flawless na flawless si Yan at kabog ang lahat sa kanyang kaseksihan! Tunay ngang may K siyang tanghaling most sexiest!

Of course, abangan na lang natin kung kailan mauulit ang pagbabalandra ni Marian ng kanyang kaseksihan kahit may dalawa na siyang anak!

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with