^

Pang Movies

Cesar, pitong taong inisnab ang serye

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Cesar, pitong taong inisnab ang serye
Cesar
STAR / File

After seven years na hindi napapanood sa small screen si Cesar Montano, muli siyang magbabalik para sa television remake ng pelikulang Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan na mapapanood naman sa TV5 simula sa July 10, 2023.

Nagsimula nang mag-taping si Cesar last May 18, kasama sina Cristine Reyes at Marco Gumabao, kasama rin nila sina Lito Pimentel, Mickey Ferriols at Felix Roco.

Gagampanan ni Cesar ang role na dating ginampanan ni Eddie Garcia na ipinalabas noong Nov. 7, 1983 na pinagbidahan naman noon nina Christopher de Leon at Vilma Santos.

Dingdong, gumagaan ang trabaho kay Tirso

Puring-puri ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang award-winning actor na si Tirso Cruz III, na muling gaganap na ama niya sa murder mystery series ng GMA network na Royal Blood. Hindi kasi iyon ang first time na gaganap silang mag-ama, nauna na rito ang Sana ay Ikaw Na Nga at Philippine adaptation ng Korean series na Endless Love.

“Walang ipinagbago si Tito Pip, he is very fatherly,” kuwento ni Dong. “Seryoso ang aming serye, pero sa taping namin, nagagawa niyang light para sa lahat ang eksena. Medyo kasi naiiba at seryoso ang character ng bawat isa na bumubuo sa cast, kaya nakakatulong iyong mga light moments na iyon sa taping.”

Sa June 19, 8:50 p.m. na ang pilot telecast ng Royal Blood na first time makakatambal ni Dingdong si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, sa direksyon naman ni Dominic Zapata.

Playing a special and significant role sa Royal Blood si Tirso Cruz III as Gustavo Royales, the rich and shrewd business tycoon and patriarch of the Royales family.  Sa mediacon nagbiro si Pip na nagtataka lamang siya bakit itinago sa kanya, sa kanila, kung sino ang papatay sa kanya ganoong hindi naman magtatagal ang exposure niya sa serye?

“It give us, ang buong cast, para pagbutihin ng lahat ang pag-arte, para i-build up nila ang kani-kanilang character,” paliwanag ni Pip.

Abangan ang Royal Blood sa June 19, 8:50p.m., pagkatapos ng Voltes V: Legacy sa GMA 7.

vuukle comment

CESAR MONTANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with