^

Pang Movies

Teaser ng High Street, puno ng mga pasabog!

Pang-masa
Teaser ng High Street, puno ng mga pasabog!

MANILA, Philippines — Ano ang nangyari sa mga bida ng Senior High pagkatapos ng kanilang graduation?

Bago mapanood ang sequel ng Senior High na High Street,alamin kung kumusta na ang kalagayan ng mga karakter sa Life After Senior High webisodes. Napapanood ito exclusively sa Facebook page ng Dreamscape Entertainment at sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.

Tampok sa five-part webisode ang life updates ng mga karakter nina Andrea Brillantes, Juan Karlos, Elijah Canlas, Xyriel Manabat, Zaijian Jaranilla, Miggy Jimenez, Gela Atayde, at Tommy Alejandrino.

Available nang mapanood ang first webisode nina Roxy (Xyriel) at Archie (Elijah) kung saan ipinasilip kung paano nangako si Archie na paninindigan nito ang baby nila ni Roxy.

Sa huli, nanganak na si Roxy pero tila hindi natupad ni Archie ang kanyang pangako dahil makikita siyang nakakulong sa ibang bansa.

Samantala, ini-release ng ABS-CBN ang official teaser ng High Street tampok ang komplikadong buhay ng mga karakter.

Sa pagsabak nila sa kolehiyo at sa totoong buhay bilang mga adult, iba’t ibang problema ang kakaharapin nila na tila may koneksyon pa rin sa mga nangyari noong sila ay nasa high school.

Napapanood ang Life After Senior High sa Dreamscape Entertainment Facebook page at ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with