^

Pang Movies

Sen. Bong, kinumpirmang ‘di na kakandidato sa mas mataas na posisyon!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sen. Bong, kinumpirmang �di na kakandidato sa mas mataas na posisyon!
Lani, Lolit at Bong

Excited na si Sen. Bong Revila sa pagsasaere ng kanyang bagong TV series sa GMA 7 na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis hango sa kanyang dating pelikula with the same title.

Tulad sa movie version, action-comedy rin ang TV version kaya kakaiba naman ito for Sen. Bong matapos ang heavy action series niya na Agimat ng Agila last year.

Enjoy na enjoy nga raw sila sa taping at puro tawanan lang sila sa set. Talaga raw halos kabagan silang lahat sa katatawa.

Pagdating naman daw sa action, proud na proud na itsinika ng aktor/pulitiko na talaga raw ginastusan nang husto ng network ang mga action scenes.

“It’s like doing a movie,” ani Seng Bong nang makatsikahan namin siya kahapon sa birthday lunch treat niya for his manager, Lolit Solis. “Movie type siya. Kaya even ‘yung paggawa namin ng aksyon, talagang pinaghirapan ‘yung mga stunts, mga habulan ng helicopter, speedboat. Matindi rin, ginastusan talaga ng GMA,” daggdag niya.

Kung sa movie version ay ang asawa niyang si Lani Mercado ang kanyang leading lady at gumanap ding kanyang misis, sa serye naman ay si Beauty Gonzalez ang kapareha ni Sen. Bong na first time niyang makakatrabaho.

At take note, si Congw. Lani pala ang nag-suggest na si Beauty ang maging leading lady dahil Bisaya ang aktres at amazed na amazed daw siya talaga sa mga Vizayan wives lalo na kapag tumatalak sa kanilang mister.

Um-agree naman agad si Sen. Bong at feeling niya ay bagay na bagay rin si Beauty for the role. Besides may resemblance rin daw ang aktres kay Lani.

Sundot naman ni Lani, “at saka ganu’n din ako ka-sexy nu’ng bata ako.” True naman.

May posibilidad nga raw na mag-guest si Lani sa series at iniisipan pa ng magandang role.

Ang isa pang maganda ay muling mapapanood ang ilan nating dating artista sa serye na hindi na aktibo sa limelight ngayon tulad nina Jimmy Santos, Ronnie Ricketts, EJ Ejercito, at marami pang iba.

Ayon kay Sen. Bong, layunin din ng show na makatulong sa mga inaktibo nang artista at stuntmen kaya naisip nilang kunin ang mga ito bilang guests.

Magsisimula na sa June 4 ang Walang Matigas na Pulis Sa Matinik na Misis at mapapanood every Sunday.

Isa pang natanong kay Sen. Bong ay kung may balak pa rin ba siyang tumakbo sa mas mataas na posisyon sa mga susunod na eleksyon.

“Ah, hindi na,” mabilis niyang sagot. “’Yan ang puno’t dulo ng lahat ng sakit ng ulo. Sa kanila na ‘yan.”

Marami nga raw ang humihikayat  sa kanya to run for a higher position pero lagi raw niyang sagot, “please, huwag n’yo na akong isali diyan.”

Dagdag niya ulit, “sa kanila na ‘yan. Support na lang tayo sa kanila, ‘di ba?”

Basta raw ang natitira pang mga taon sa buhay niya ay gusto na lang niyang magpasaya at tumulong sa mga tao.

Samantala, naging emosyonal si Nay Lolit sa lunch treat na ibinigay sa kanya ng mag-asawang Bong & Lani. Matapos i-blow ang kanyang birthday cake ay nagpasalamat ang veteran entertainment columnist/talent manager at hindi napigilang mapaiyak.

“Basta, ito ang sasabihin ko: Isa sa pinakamabuting tao sa showbiz ang Revilla family. Touched na touched ako talaga sa pagmamahal nila sa akin,” emosyonal na wika ni Nay Lolit.

vuukle comment

BONG REVILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with