^

Pang Movies

Sunshine at Cesar, proud parents!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Sunshine at Cesar, proud parents!
Cesar Montano, Sam Cruz , at Sunshine Cruz

Parehong naka-post sa Instagram nina Cesar Montano at Sunshine Cruz ang photo nila kasama ang anak na si Sam Cruz na first honor sa 3rd term.

Proud parents ang mga ito at may post pa nga si Sunshine na sinabing “Sigurado akong proud din ang dad at Tia Kath mo sa iyo/inyo.”

Kaya may “inyo” sa post ni Sunshine dahil pare-parehong may honors ang tatlong dalaga niya.

Si Angeline Isabele, first honor, si Sam first honor din at si Chesca, second honor.

Kaya may rason ngang maging proud sina Sunshine at Cesar.

Samantala, gagawin pala ni Cesar ang part 2 o sequel ng Muro Ami at ngayon pa lang, humihingi na siya ng suporta sa fans at moviegoers.

Pinag-aasawa na... Maymay, mas abala sa lovelife!

Muling flinex ni Maymay Entrata ang foreigner boyfriend sa kanyang Instagram story at marami ang kinilig.

Ang sweet ng magdyowa sa post niya, may yakapan at may pahaplos pa siya sa face ng boyfriend.

Deserve raw nito ang guwapong boyfriend at wish nga ng fans, puwede na siyang mag-asawa dahil 26 years old na siya at ‘wag na raw niyang pakawalan pa ang boyfriend.

May bago pala siyang single at ang ikinaiba ng song niyang Auto Deadma ay ang ka-collab niyang si Jung woo-seok.

Out na sa all digital streaming platforms ang single.

Sam, balik-showbiz!

Balik-showbiz si Sam Pinto after a long absence dahil nag-asawa at nanganak.

Ngayon, puwede na uli siyang magpakaartista at ang comeback project niya ay sa Abot Kamay Na Pangarap ng GMA 7.

Sa nakita naming photos, naka-doctor’s coat, kaya safe to say na doctor ang role niya sa hit Afternoon Prime ng GMA 7.

May photos din si Sam kasama sina Jillian Ward at Dominic Ochoa at may mga nag-isip na baka ex-girlfriend ni Dominic ang kanyang role.

vuukle comment

ACTOR

CESAR MONTANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with