^

Pang Movies

Zeinab, seseryosohin na ang pag-aartista!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Zeinab, seseryosohin na ang pag-aartista!                    
Zeinab

Tuluyan nang sumabak sa pag-aartista si Zeinab Harake at nasa pangangalaga na siya ngayon ng Aguila Entertainment nina Becky Aguila, Katrina Aguila, and Jan Enriquez.

Good move naman for Zeinab na mag-cross over na siya sa acting department dahil may “K” naman talaga siyang mag-artista given her good looks.

At wise decision din na sa Aguila Entertainment siya magpa-manage dahil mas maaa­lagaan siya talaga ng naturang management na siya ring nagha-handle sa career nina Jennylyn Mercado, Beauty Gonzalez, Nikko Natividad, Mikoy Morales, among others.

Nakatakdang magkaroon ng mediacon ang Aguila Entertainment ngayong Mayo para opisyal na i-welcome se Zeinab sa pamilya.

Samantala, maingay ngayon ang Aguila Entertainment. Bukod kay Beauty na umaariba ang career, maganda rin ang takbo ang careers nina Nikko at Mikoy. At siyempre, inaabangan din ang comeback ni Jennylyn na naging Ultimate Star dahil sa halos 20 years na pangangalaga ni tita Becky.

Looks like maganda ang tandem ni Kat at ng bagong co-manager nilang si Jan.

Barbie, tinanggap ang paumanhin ng ‘blind item’

Nag-apologize ang GMA headwriter na si Suzette Doctolero kay Barbie Forteza sa pagkakadamay ng aktres sa kanyang cryptic post.

“Paumanhin, Binibining @dealwithBARBIE at akala ay ukol sa iyo ang mu­sings ko. Malay ko ba? Ume eme eme lang naman ako. Lols,” ang tweet ni Suzette na itinag ang aktres.

Sumagot naman ito ng “no biggie po, Ms. @SuziDoctolero. I hope to work with you again soon po.”

Sagot naman ng headwriter, “yes, real soooonnn!!”

Kaya naman nakalma na ang fans nina Barbie at David Licauco (BarDa and FiLay) na nag-akalang hindi na matutuloy ang follow-up project ng dalawa matapos ang hit seryeng Maria Clara at Ibarra.

Nag-assume ang fans na si Barbie ang pinatatamaan ng cryptic post ni Suzette recently tungkol sa bad decision.

“People make bad or poor decisions out of greed, blind or misguided ambition and selfishness kaya daming bad repurcussions. But better decisions (based on values, intuition, good heart) leads to better results,” ang tweet ni Suzette last April 16.

Sinundan pa niya ito ng another tweet na “Kapag talaga ang ugat ay bad decisions, sunod-sunod na palpak, o unpleasant results and/or disastrous consequences ang kalalabasan. If our decision is wrong, madalas rin pagsisihan natin sa maraming dahilan.”

Agad na nag-speculate ang fans na kay Barbie ito patungkol dahil may tsismis umano na tinaggihan ng aktres ang proyektong pagsasamahan nila ni David para maprotektahan ang relasyon nila ni Jak Roberto.

Nilinaw naman agad ito ng writer that very same day since nagkakagulo na nga sa comment section at naalarma na ang BarDa fans.

“Luh, walang kinalaman sa kahit sinong artista ang bad decisions eme post ko,” ang paglilinaw nito.

vuukle comment

ZEINAB HARAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with