^

Pang Movies

Maganda at seksing aktres na may maimpluwensyang jowa, binabakuran ng mga body guard sa beauty clinic

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Laging takaw-pansin ang isang maganda at seksing aktres kapag nagpupunta sa favorite at pina-patronize niyang beauty clinic. Kasi naman, dumara­ting ang aktres na marami ang kasamang bodyguard na feeling anytime, may kikidnap sa seksing aktres kaya kailangang bantayan.

Hindi lang ‘yun, bukod sa maraming bodyguard, may tagadala sa bag ng aktres at may nagpapayong sa kanya. Lalo na after her beauty treatment, bawal siyang masikatan ng araw, kaya laging nakahanda ang nagpapayong sa kanya.

Wala namang masama sa ginagawa niya, napapansin lang ng mga nakakasabay niya sa beauty clinic na marami siyang kasama kapag nagpapa-beauty treatment, kaya napag-uusapan.

Ang hinihintay ng mga Marites na hindi pa nangyayari ay dumating sa beauty clinic ang aktres kasama ang boyfriend. Gustong malaman kung totoo ang tsika na isang rich and influential personality ang boyfriend niya.

Camille, muntik sukuan ang nawalang cell phone

Good news ang na-share ni Camille Prats na nakuha o nabawi niya ang nawalang cell phone na nanakaw sa Philippine Arena sa concert ng Blackpink.

Mabuti at may tracker ang kanyang phone, kaya nalaman niya ang movement nito. Sinamahan siya ng asawang si VJ Yambao at stepson niyang si Ice sa pagsunod sa movement ng phone.

Umabot sila sa bahay, sa location na nasa tracker pero itinanggi ng kanilang nakausap na nasa kanila ang phone. Kinailangan na nilang mag-report sa police at sinamahan sila sa bahay na kinaroroonan ng cell phone.

Ang daming ginawa ng mga police para ma-track ang cell phone at kung kailan susuko na sila Camille sa paghahanap, saka nag-register sa tracker na nasa police station ang cell phone. Nalaman nila na ipinadala ang cell phone sa police station sa isang motorcycle delivery service.

At least, nakapag-isip ang gumetsing ng cell phone niya na kesa ibenta, ibalik na lang ang cell phone dahil hindi siya titigilan ng tracker na nakakabit dito.

Eric Nicolas, nakaya si Rico J.

Natanong si Director Joven Tan ng susunod niyang pelikula pagkatapos ng Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera) at tiningnan nito ang katabing si Eric Nicolas. Sabi rin nito, hindi pa siya pumapayag na ikinatawa ni Eric.

Ang dating sa press ng sinabing ‘yun ni Direk Joven ay biopic ni Rico J. Puno ang gagawin niya at kaya nabanggit si Eric dahil siya ang gumanap na Rico J. sa Kahit Maputi  Na Ang Buhok Ko.

Kaya lang, bago ma ma-excite ang mga reporter na nagtanong kay Direk Joven, biglang bawi ito. Wala pa raw siyang susunod na project na ayaw paniwalaan ng press. Sa sipag at pagiging workaholic ng director, siguradong may next project na siyang sisimulan.

Marami na ang excited na mapanood ang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko at sa mga mano­nood, ihanda ang sarili na matawa, maiyak, at makikanta. Kulang ang movie experience ninyo kundi kayo makiki-sing-along.

Sa April 8 na ang simula ng showing ng movie sa over 80 theaters.

Isabel, ‘nilinawan’ na ang relasyon kay John Lloyd

Nadadalas ang pagpo-post ni Isabel Santos ng photos nila ni John Lloyd Cruz at napapansin na hindi na nila itinatago ang kanilang mga mukha sa mga pino-post na photos nila.

Sa latest post niya, malinaw na makikita ang mukha ni JLC at nakatingin pa sa camera. Sa mga nauna nilang larawan na magkasama, kundi blurred ang photos ay malayo ang kuha. Minsan naman, nakatalikod si JLC at madalas, parte lang ng kanilang mga katawan ang pino-post.

This time, may face reveal na sa photos na magkasama sila na madalas ay sa mga art exhibit.

vuukle comment

AKTRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with