^

Pang Movies

Ronnie, inaaway ng ‘pornographers’!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Philippine Center for Investigative Journalism

Nagpahayag ng matinding pagkadismaya, at totoong nainsulto ang singer na si Ronnie Liang nang alukin daw siyang maging bida sa isang pelikulang tinawag niyang “porno.” Sinabi pa niyang “hindi ako nagsakripisyong mag-aral nang matagal na panahon para lang magbuyangyang ng ari ko sa publiko.”

Iyon ang kanyang opinion. Hindi namin kaibigan iyang si Liang, ni hindi namin kakilala iyan eh.

Pero siguro kahit na sino namang tao sabihan mong “pasisikatin kita pero ibuyangyang mo iyang ari mo” magagalit din. Kaya may katuwiran siyang magalit.

Ni hindi niya sinabing nagalit kundi “nadismaya” lamang. Hindi naman niya sinabi kung sino ang humihikayat sa kanyang lumabas sa porno. Pero siyempre mabilis na kumilos ang mga gumagawa ng porno at nagsimula na silang i-bash si Ronnie Liang.

Ang mga gumagawa ng kahalayan, mga director at producer, hindi naman nila inaamin na ang ginagawa nila ay porno, kahit pa nagbubuyangyangan na ng ari ang kanilang mga “artista kuno.” Ang tawag nila riyan “indie film” o “art film.”

Independent dahil malaya sa censorship at classification. Walang sumusuri kung gaano na kabastos ang kanilang pelikula. Maski sa amin naman sa press, at lalo na sa social media, katakut-takot din ang mahahalay na publisidad para sa mahahalay na pelikulang iyan, pero walang nagsasabi na iyan ay “porno.”

Ni ayaw nilang masabi na ang ginawa nila ay “bomba.” Ang palusot nila iyon ay ST, na ibig sabihin daw ay sex trip, o diretsahin na natin, “sexually motivated cinema.” Iyan ang inilalabas lang sa mga “peep theater” noong araw sa adult shops sa US.

Ngayon inilalabas na iyan sa “internet strea­ming.” Hindi na namin kailangang magsalita, basahin na lang ninyo ang mga sinusulat ng kanilang mga bayarang pra la la, para malaman ninyong mahalay ang palabas.

Siyempre nagalit ang pornographers sa sinabi ni Ronnie. May naglabas pa nga ng picture ng isa niyang pelikulang “sex din ang tema.”

In fairness, napanood namin nang ilabas na sa cable ang obrang iyon ni direk Elwood Perez. Wala namang nagbuyangyang ng ari. Hindi naman sex ang tema kundi ang mataas na ambisyon ng isang binata na halos nagsadlak sa kanya sa kapahamakan. Hindi iyon pang-internet kundi gusto nilang ilabas sa sinehan. Dumaan iyon sa MTRCB. Hindi iyon kasing baboy ng internet movies.

Alice, na-bash sa pagpapa-cute

Ang isa pang pinag-uusapan, bakit daw kaya nag-post pa si Alice Dixson ng picture ng kanyang boyfriend sa internet eh tatakpan din naman pala niya ang mukha. Di sana raw hindi na lang siya nag-post.

Iyong ipinost niya ay boyfriend niya. Inilagay naman niya sa kanyang personal na account sa social media. Eh ano ba ang pakialam doon sa mga nakikisilip lang naman sa posts niya kung ano ang kanyang inilagay.

Hindi pala ninyo gusto ang inilalagay niya eh di sana lampasan na lang ninyo, kahit na i-block pa ninyo, pero wala kayong pakialam sa post niya.

Sabihin na natin, minsan gusto nilang magpa-cute, at para sa kanila ay cute ang ganoong posts, eh ano ba pakialam ninyo. Mayroon ba siyang ginawang panawagan para silipin ninyo ang kanyang social media account at mag-comment kayo? Kung iisiping mabuti, pakikialam sa buhay ng may buhay ang ginagawa ninyo.

Eh bakit iyong ibang ayaw ipakita ang mukha at sa halip mga puwit ang inilalabas hindi ninyo mapagsabihan?

Baguhang male starlet, tumira na sa talent agent

Tumira na rin pala sa condo ng isang talent agent na bading ang isang baguhang male starlet. Noong una ay umiiwas pa ang male starlet, pero sinabihan daw siya ng talent agent na bading na “hindi ka sisikat kung hindi ka magpapahawak sa bading. Show business ito at ganyan talaga ang kalakaran.”

Walang ganoong kalakaran sa show business kung tutuusin.

vuukle comment

RONNIE LIANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with