^

Pang Movies

Raymond, inaming matindi ang naging depresyon   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Raymond, inaming matindi ang naging depresyon            

Hindi pala naging madali para kay Raymond Gutierrez ang naging pagtatago niya noon na isa siyang miyembro ng LGBTQ community.

Sa kanyang panayam sa Kapuso Mo, Jessica Soho, ibinahagi ng kakambal ni Richard Gutierrez ang kanyang journey na pinag­daaanan bago siya nag-out sa publiko last year. “Noong bata pa lang kami, talagang na-feel ko na na iba ako. Iba ‘yung mga hilig ko kay Chard, iba ‘yung mga gusto kong gawin and iba ‘yung barkada namin. Iba ‘yung personality namin,” kwento ni Raymond.

Nang maging matinee idol si Richard ay lalo raw niyang naramdaman na talagang magkaiba sila. “Noong panahon ko kapag gay ka, ibig sabihin komedyante ka, sidekick ka, bestfriend ka, pero hindi ikaw ‘yung bida,” aniya.

Inamin din ni Raymond na nagkaroon siya ng de­presyon dahil na rin sa hirap na dinaanan. “I have to be ho­nest, medyo na-bully din ako dati ng mga older generation, you know,  TV hosts and actors. Minsan nga dati takot akong pumasok sa mga dressing room kasi sasabihin nila ‘ay ‘di ba ‘yan ‘yung baklang kakambal ni Richard?’ I think the industry also makes it difficult for celebrities to come out,” he said.

Dahil dito ay naging outlet niya ang alcohol at paggimik. “I turned to alcohol and partying, and being self-destructive kasi hindi ko alam how to come to terms with it. Noong time na ‘yun I didn’t know that it was depression,” aniya.

Hanggang sa natutunan daw niya how to open up to others at tanggapin ang kanyang sarili. “There came a point na na-realize ko na walang magse-save sa akin kundi sarili ko,” he said.

Kaya nagsimula muna siyang mag-out sa close friends at nagulat daw siya dahil sobrang supportive raw ng mga ito. Hanggang sa tuluyan na nga siyang nag-out pati sa kanyang pamilya na tinanggap din siya nang buong-buo. “I felt free,” sabi niya.

Inamin din ni Raymond na masaya siya ngayon sa kanyang love life. “He’s a private person, he’s based in LA (Los Angeles),” paglalarawan ni Raymond sa kanyang dyowa. “I’m happy,” sambit pa niya.

KZ, ayaw pag-usapan sina Moira at Jason

Nakiusap si KZ Tandingan na huwag nang pag-usapan pa ang paghihiwalay ng fellow Cornerstone Entertainment artist na si Moira dela Torre at mister nitong si Jason Hernandez.

Aniya ay hindi raw makakatulong sa paghi-heal ng mag-asawa na lagi pa itong pag-usapan pero aminado siyang nalungkot silang lahat sa hiwalayan.

“Siyempre po sad kami, kasi both naman sila mga kaibigan namin but ‘yun lang po. Huwag na po siguro natin sila pag-usapan kasi siyempre, ano naman po nila ‘yun, e. Kumbaga, when we keep on talking about it, that doesn’t help them heal,” pahayag ni KZ nang makausap ng entertainment press sa grand launch/mediacon ng Top Class: Rise to P-Pop Stardom. Isa si KZ sa mga magiging (vocal) mentor ng 30 contestants na maglalaban-laban para sa titulong ultimate Top Class P-pop Idol. Ang tatlo pang makakasama niya sa show ay sina Shanti Dope bilang Rap mentor at Brian Puspos as Dance mentor.

vuukle comment

RAYMOND GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with