^

Pang Movies

Princess, mas priority na ang international project

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Princess, mas priority na ang international project

Since malayo ang lugar namin sa LA-based actress na si Princess Punzalan (Bernadette Field) in California, USA, sa telepono na lamang kami nagkamustahan at nagkakuwentuhan.

Nabanggit ng ex-wife ng game show host-producer and businessman na si Willie Revillame na miyembro na umano siya ng American Screen Actors Guild at miyembro na umano siya ng union. 

Tuluy-tuloy pa rin ang kanyang acting classes hanggang ngayon. Ayon sa kanya, para umano siyang athlete na tuluy-tuloy ang training dahil ganun daw ang kalakaran sa Amerika.

She is being represented by her agent na si Aileen Beilin at manager na si Brandon Cohen. She did Yellow Rose in 2018 at nakagawa rin umano siya ng ilang American short films including The Gift.

It was in 2005 when she moved to Los Angeles, California with her American husband na si Jason Field after they got married twice in the Philippines.

The couple have an adoptive eight-year-old daughter na si Ellie na ang pangalan ay hango sa kanyang namayapang ina, ang dating radio, TV and movie personality na si Helen Vela.

Unang nanirahan ang mag-asawang Princess at Jason sa Michigan then moved to Connecticut. Pero dahil sa hilig ni Princess sa kanyang acting career, they moved to Los Angeles, California para malapit sa Hollywood.

Si Princess ay licensed registered nurse, her other career bukod sa acting.

Aminado si Princess na naging malaking challenge sa kanya at sa kanyang mister ang pandemya dahil hindi halos sila umaalis ng bahay. Nag-work from home ang kanyang mister habang si Princess naman ay pansamantalang huminto sa kanyang trabaho to personally attend to her husband and daughter. 

Ngayon she works for three hours para may oras siya for her husband and daughter and do the household chores. She also worked for one year sa Hollywood Presbyterian Medical Center.

Princess’ last visit sa Manila ay nung January 2020 bago ang pandemya at nagkita pa umano sila ng kanyang ex-husband na si Willie Revillame na nanatiling kaibigan niya even after nilang magkahiwalay.

“We separated amicably kaya wala kaming galit sa isa’t isa,” paliwanag ni Princess na huling napanood sa isang teleserye ng ABS-CBN, ang The Story of Us na tinampukan ng magkasintahang Kim Chiu at Xian Lim nung 2016.

Hindi ikinakaila ng panganay ng yumaong Helen Vela at Orly Punzalan na nami-miss niya ang showbiz sa Pilipinas, her relatives and friends pero hindi na siya basta-basta ngayong makakatanggap ng projects sa Pilipinas dahil sa kanyang pagiging member ng American Screen Actors Guild unless isa itong international project.

vuukle comment

PRINCESS PUNZALAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with