^

Pang Movies

Puso ng baboy, puwede na sa tao!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Naku malapit nang hindi tayo makakakain ng baboy.

Imagine na puwede na pala sa heart transplant ang pig heart, at buhay ang tao na sinalinan ng puso ng baboy ha. ‘Pag nagkataon, malaking tulong ang magagawa nito sa mga tao dahil hindi na kailangang maghintay pa ng donor ‘pag kailangan ang heart transplant.

Naalala ko nang may lumabas na American movie noon tungkol sa pigs na ang tagal bago tayo kumain uli ng baboy dahil ang ganda ng movie at gusto mo nang magkaroon ng pet na pig. Ngayon dahil puwede nang iligtas ng baboy ang tao, wow, parang ayaw mo nang galawin pa ang mga baboy para kainin.

Grabe talaga ang science ‘no, very amazing. Maiisip mo ba na darating ang panahon na pati puso ng baboy puwede nang mag-save sa tao.

Si George Clooney nga isang biik ang pet, kaya puwede rin, ‘di ba!

Paninigas ng kamay ni Katrina, kinatakutan!

Dahil maginaw ‘pag umaga talagang stay muna tayo sa bed at matagal bago tumayo sa morning. Ang sarap ng lamig ha, very relaxing. Saka dahil siguro relaxed tayo dahil nasa loob lang ng bahay kaya napapalakas pati pagkain natin, hah hah.

Natakot nga ako sa headline mo tungkol kay Katrina Halili sa Pang Masa, Salve, dahil dun sa nanigas ang mga kamay niya.

‘Di ba kalokah ‘pag ganun ang naramdaman mo, ‘yung hindi mo magalaw ang isang bahagi ng katawan mo.

Buti naman at maayos na si Katrina. Kasi nga ‘pag nasa lock-in ka at parang alone ka mas lalo ka pang kakabahan. Buti na lang inasikaso siyang mabuti ng staff ng GMA 7. Pagaling ka, Katrina at ingat.

vuukle comment

KATRINA HALILI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with