^

Pang Movies

Beth buntis na, nagpasalamat sa IVF

Gorgy Rula - Pang-masa
Beth buntis na, nagpasalamat sa IVF
Beth

MANILA, Philippines — Maganda naman at nakakagaan ng bigat ng damdamin dala nitong pandemya ang ipinost ni Beth Tamayo sa kanyang Facebook account.

In-announce na niyang nagdadalangtao na siya. Sabi ni Beth sa kanyang FB account; “Bout time to tell the world that WE ARE PREGNANT!

“It wasn’t an easy road getting here but boy it was worth it!

“IVF is never an easy path but so thankful for my “’team’! Starting with our doctor - Dr. Aimee or better known as the @eggwhisperer for the hands on guidance and just being there for us every step of the way and advocating what is best for us, ALWAYS! She and her staff are the best!”

Nang makapanayam namin si Beth at ang asawa niyang si Adam Hutchinson, sinabi naman niyang pinaghandaan na nila ang IVF na pagbubuntis at nag-succeed naman. Kaya nagpapasalamat siya sa lahat ng involved dito para matuloy ang kanyang pagbubuntis.

“To my hubby @akhutchi for being an awesome partner! From day one, even if he can’t physically go inside the clinic (COVID protocol) to hold my hand and make sure I’m fine, he’s been there for me driving me to all of my appointments and just making sure I’m feeling great.

“The guy who’ve perfected the ‘art of giving shots’ and cheered me on every night. Telling me that I’m such a badass for going through all of this! Thanks Babe.”

At least matutupad na rin ang matagal nang pangarap ng Mommy ni Beth na magkaroon siya ng apo mula sa dating aktres. Binanggit ni Beth sa amin talagang iyon daw ang hiling ng Mommy niya na bigyan naman daw siya kahit isang apo lang mula sa kanya. Kaya tiyak na ang ina niya ang isa sa pinakamasaya.

Tom at Carla, noon pa live in

Ang ganda ng feedback sa pagtatapos ng Love of My Life noong nakaraang Biyernes. Tamang-tama naman sa pagtatapos nito ay ang proposal naman ni Tom Rodriguez kay Carla Abellana ang bumulaga sa social media.

Nang magsimula ang pandemya ay nag-decide ang magkasintahang mag-live in na at malaking bagay ang  pagsasama nilang iyon para mapagtantong sila na talaga ang magkasama forever. Ito na nga raw ang simula ng kanilang forever, na “a million times yes” naman ang sagot ni Carla.

Pagkatapos ng Love of My Life ay gagawin na rin ni Carla ang drama series kasama si Derek Ramsay.

Ang timeslot naman ng Love of My Life ay papalitan ng season 2 ng I Can See You. Ang first mini-series nito ay pinamagatang On My Way To You, tampok ang tambalang Ruru Madrid at Shaira Diaz.

Nakitaan ng chemistry ang dalawa, kaya sisimulan na rin ang serye nilang Lolong.

Dito sa I Can See You ay may special participation si Richard Yap na sinasabing komportable na siya bilang isang Kapuso. Kasama rin ang matagal na ring Kapamilya character actress na si Malou de Guzman.

vuukle comment

BETH TAMAYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with