^

Pang Movies

Kitkat, inaming muntikang mabaliw

Gorgy Rula - Pang-masa
Kitkat, inaming muntikang mabaliw
Kitkat

MANILA, Philippines — Ipinost sa Facebook account ng Net 25 na abangan kung sino ang dagdag na host sa Happy Time kasama nina Anjo Yllana, Boobsie Wonderland at CJ Hirro.

At may nag-comment doon na isang follower na tila na-bash na si Kitkat dahil nakipagsagutan pa rito ang comedienne/TV host. Hindi nagustuhan ni Kitkat ang komentong may attitude raw ito kaya tuluyan na talaga siyang tinanggap

Sagot ni Kitkat, “Ako na pinagmumumura ng P.I, pinagdududuro, pinagsisigawan sa mic at harap ng marami tao at pagtapos nagtuloy ng show mag isa ako pa may attitude??? Babae ka? Kung babae ka wag sana mangyari sayo or sa anak or pamilya mong babae.

“Kung lalaki ka naman, patol ka talaga sa babae at bata? Well Godbless... i pray na hindi nyo maranasan ang sinapit ko. And by the way nagte-therapy ako ngayon sa trauma na sinapit ko... 6 months akong nagtitiis sa co host ko kung di ako malakas baka nabaliw na ako ng tuluyan. Watch ur words di moko kilala!...”

Nagkasagutan na sila sa wall na iyon ng Net 25, dahil gusto lang naman ni Kitkat na ipaliwanag ang kanyang panig.

Isang kaibigan nga ang nagsabi sa aming iyak daw ito nang iyak dahil nga sa nangyaring pagkakatanggal sa kanya sa naturang noontime show.

Pero sinabi rin ng isang kaibigan namin na sinasabi naman daw noon pa ni Kitkat na gusto na niyang mag-resign dito sa Happy Time, bakit siya nag-i-emote ngayon? Ewan ko lang kung totoo nga ito, pero ang masaklap doon, papalitan na sila ng isang regular host. Kinumpirma sa amin ni Anjo na si Dingdong Avanzado nga ang ipinalit at regular na raw ito sa naturang noontime show.

Hindi lang daw niya alam kung tuluy-tuloy na rin si Boobsie dahil meron din ito nightly sa Net 25. Pero masaya na ang grupong iyon, kaya okay na ring sila na talaga ang regular hosts nito, kung hindi na nga pababalikin sina Janno Gibbs at Kitkat.

Nadine at Viva, maghaharap bukas sa korte

Bukas na pala isasalang si Nadine Lustre sa korte kaugnay sa kasong isinampa sa kanya ng Viva Artists Agency.

Ayon sa ilang kuwento, meron daw gustong pag-ayusin na sila ng Viva pero mukhang wala raw ganun sabi naman ng ilang taong malapit sa singer/actress.

Kaya tingnan na lang natin kung saan hahantong ang kasong ito.

Pero natengga na ang career ni Nadine at hintayin na lang matapos ang kasong ito bago pa natin malalaman kung makakabalik ba siya sa trabaho.

Yaya… iniba ang atake

Kagaya ng ibang drama series na ginagawa ngayon, iniiwasan din ng First Yaya na ma-tackle ang pinagdaanan nating pandemic.

Nang mabuo ang drama series na ito, wala pa raw ang pandemic at may mga malalaking eksena raw na hindi na puwedeng gawin ngayon dahil sa restrictions.

Kaya may mga binago para adjusted sa hinaharap natin ngayon. “We go for puso ng kuwento. Dahil dun sa restrictions regarding sa bilang ng mga tao na puwedeng kasama sa taping, ‘yung mga ganyan. Kung gagawa kami ng big scenes, mararamdaman ng mga tao na ginawa ito nu’ng pandemic. So, pumunta kami sa ibang direksyon, which is ‘yung puso.

“’Yung puso ng mga character, ‘yung puso ng kuwento mismo na kung paiikutin ng mga relasyon ng mga problema ‘yung kuwento niya... ‘yung Yaya at ng president,” saad ni direk LA Madridejos.

vuukle comment

KITKAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with