^

Pang Movies

Darna, hinihintay si Zia?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Sumugod na ang netizens sa Instagram page ni Jane de Leon para tanungin ang aktres kung totoong hindi na nga matutuloy  ang pelikulang Darna na gagawin sana ni Jane. Hindi nga lang sinasagot ni Jane ang mga tanong kung bakit dahil na rin siguro na that time na tinatanong siya ay nasa The Farm sa San Benito siya at nagbabakasyon. May mga savage lang sa mga comment at ang sabi, tama lang na hindi matuloy ang Darna dahil hindi raw bagay kay Jane, ito ay kahit dumaan na sa matinding paghahanda ang aktres mula sa pagwu-workout at pagda-diet.

Natawa lang kami sa comment na mailap si Darna, hindi matuluy-tuloy at baka ang kabagsakan, si Zia na ang gaganap na Darna. Si Zia Dantes ang tinukoy ng netizen na anak ni Marian Rivera na minsan nang gumanap na Darna sa telebisyon. Ang daming nag-react sa comment na ito at nag-thumbs up na ibig sabihin, pabor siya na si Zia na ang lumipad na Darna. May nag-comment naman na ibigay uli kay Liza Soberano ang Darna at baka matuloy na lalo’t walang proyekto ngayon ang aktres.

Matteo, apat na singsing na ang naibigay kay Sarah

Grabe ang power ng fans nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo dahil bilang na bilang kung ilang singsing na ang ibinigay ni Matteo kay Sarah. Ang bilang nila ilang buwan pa lang kasal ang dalawa, apat na singsing na ang ibinigay ni Matteo sa asawa. Nakasulat  sa IG page ng isa nilang fan ang “Sarah’s four rings at ito ay ang heirloom ring, engagement ring, diamond-studded wedding ring, at ang platinum wedding band na pareho silang mag-asawa.”

Paniniyak ng fans nina Sarah at Matteo, madadagdagan ang ring ni Sarah kapag nagbuntis ito dahil tiyak na bibigyan siya ng singsing ng asawa at kapag nanganak na si Sarah, isa uling ring.

JM, inatake ng panic disorder!

Naawa kay JM de Guzman ang mga nakakita ng picture niya na nasa harap ng plangganang may ice at may nakatakip sa ulo at mukha habang inaatake ng panic disorder. Post ni JM: “This is what my panic disorder looks like 400 am middle of a good sleep. Intense waves of emotions, rapid heart beat that’ll make you feel you are about to pass out or die. I use ice to slow down the heart beat and to feel my face because my body is numb, over powered by emotions. this maybe caused by a painful trauma in the past. I managed to record this because somehow im learning to cope with it and just hoping others might relate and to let you know you’re not alone.

“If you have this too, put ice on your face, head, hand, and body. Just pray and deep breaths and make the people around you understand ur condition tell them to stop asking questions and just be there so the attack will subside quicker rather than triggered. Itll be over after 30 or 40 mins and youll be fine (keep telling that to yourself so thats the only thing running inside your mind) just a little exhausting. Keep safe...#TobeAwareistobeAlive.”

vuukle comment

JANE DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with