^

Pang Movies

Tatlong beses na-ospital Alessandra sobrang stress sa pelikula nila ni Piolo

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Tatlong beses nang na-hospital si Alessandra de Rossi.

Sabi ng ate niyang si Assunta de Rossi, “After nilang mag-shoot ng 9 days sa La Union, sumama na talaga pakiramdam nya. Kaya nahinto yung shoot, eh may 3-4 days pa.”

Sabi pa ni Assunta, stressed daw and kapatid dahil bukod sa artista ito sa pelikula with Piolo Pascual ay direktor, scriptwriter at co-producer din si Alessandra.

Dahil nasa Italy na ang parents at two sisters nila, si Assunta ang nag-aalaga kay Alessandra sa tuwing naho-hospital ang kapatid.

Solenn tututok sa carpet business

Dati na ang carpet business ng mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico at ini-import nila ‘yon mula sa ibang bansa.

Pero ngayon, nagde-design na rin siya at ipinagagawa nila ‘yon sa India.

Magaling sa art si Solenn, kaya ang gagan­da ng designs niya.

Five months preggy na si Solenn at kapag natapos na niya lahat ng showbiz projects niya ay mas mapagtutuunan niya ng pansin ang pagde-design para sa kanyang carpets.

Aktor pinaghintay sa wala ang line producer sa isang musical na sasali sa MMFF 2019!

Naloka ang line producer ng isang musical na gustong sumali sa Metro Manila Film Festival 2019.

Naghintay raw kasi sila sa isang aktor na kina-cast nila, pero ang tagal daw silang balikan.

Nang finally ay sumagot na sa kanila, no naman ang sabi.

Sana nga raw ay hindi na lang sila pinaghintay ng matagal dahil ang sagot lang naman sa kanila ay sobrang busy ito at hindi kakayanin ng hectic schedule.

Nataranta raw tuloy sila kung sino ang kukuning artista, mabuti na lang daw at may nag-yes sa kanila kaya natuloy rin ang shooting nila.

JC proud father  

Si JC de Vera habang tulak-tulak ang stroller ng anak na si Lana sa Power Plant Mall sa Rockwell, Makati City noong Sunday.

Halatang proud father si JC sa anak dahil kahit may babae siyang kasama ay siya nga ang nagtutulak ng stroller ni Lana.

vuukle comment

ALESSANDRA DE ROSSI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with