^

Pang Movies

Ogie nadiskubre na ang mga tumawag ng laos kay Regine

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ogie nadiskubre na ang mga tumawag ng laos kay Regine
Ogie, Regine

Sa presscon kahapon ng Green & Go fundraising concert featuring Ogie Alcasid, Dingdong Avanzado, Randy Santiago and Gary Valenciano, natanong sa apat kung paano nila hina-handle ang bashers na talaga namang problema ng karamihan sa mga artista natin ngayon dahil sa tindi ng pangba-bash na nararanasan nila.

Ayon kay Ogie, “trabaho nila ‘yun, eh – mang-bash” na sinundan naman ni Dingdong ng “wala naman kaming magagawa” sabay-tawa.

Opinyon naman ni Gary V., napakarami raw rason kung bakit nangba-bash ang mga bashers.

“It could be they were often bashed when they were kids. They never received a good word from their parents. Mayroon akong mga kakilala na ganu’n – never in their life did they receive a hug from their father or their mother.

“That can create a very deep, deep, roots of anger, of angst, of resentment,” pahayag ni Gary.

Kamakailan nga lang ay naging biktima si Ogie at misis na si Regine Velasquez ng matinding pangba-bash mula sa isang netizen na tinawag siyang “chaka unano” habang sinabihan namang “balyenang laos” si Asia’s Songbird.

Hindi ito pinalampas ng mag-asawa at talagang sinagot nila ito nang bonggang-bongga especially Regine na naglitanya talaga ng kanyang sama ng loob sa bashers.

“Actually, ako, cool lang ako, ‘yung asawa ko ‘yung medyo...” natatawang sabi ni Ogie.

“I think, nagbakasyon kami sa Boracay, eh, I think, si Regine, ang point niya kasi is you know, kung wala ka namang magandang sasabihin or kung ayaw mo sa amin, just get off our page.

“Obviously, this person, gusto niya lang talagang manlait, di ba? Kasi, makikita mo, siya lang ‘yung ganu’n.”

At nalaman nga rin daw nga nila na ‘yung basher na ‘yun ay hindi lang sila ang bina-bash, kung hindi marami pa kaya hindi na rin sila nagpaapekto pa masyado.

Anyway, it was 30 years ago wherein these 4 OPM icons shared the stage together in a concert entitled Kundi sa Ultra, Saan Pa at ngayon lang ulit mangyayari. Ang apat na ito ay may common denominator at ito ay pawang produkto sila ng Kundirana ng La Salle, Greenhills.

This time ay magsasama-sama sila sa isang fund­raising concert entitled Green & Go na gaganapin on July 6, 8pm sa FilOil Flying V Centre, San Juan City.

The said concert is mounted by La Salle Greenhills batch 1984 in ce­lebration of their 35th homeco­ming year. Musical director of the concert is Mon Faustino with stage direction by Paolo Bustamante. Tickets are available at Ticketnet.com.ph, FilOil Flying V Centre and through Ateam at 0917-7958283.

vuukle comment

OGIE ALCASID

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with