^

Pang Movies

AiAi maraming pinagsisisihan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
AiAi maraming pinagsisisihan
Ex Battalion

Nagsisisi si AiAi Delas Alas dahil tinanggap niya ang pakiusap ng Ex Battalion na i-manage ang career ng grupo na nalunod sa isang basong tubig.

Nakakaloka ang mga rebelasyon ni AiAi tungkol sa unprofessionalism ng Ex Battalion na pinagtakpan niya nang matagal na panahon.

Noon pa pala gusto ni AiAi na bitawan like a hot potato ang Ex Battalion pero nahiya siya sa Viva Films dahil hindi pa naipalalabas sa mga sinehan ang kanilang pelikula na Sons of Nanay Sabel.

 “Hindi ako pinapaiyak ng mga anak ko, hindi ako pinapaiyak ni Gerald. Anong karapatan nila na paiyakin ako dahil sa mga kahihiyan na inaabot ko sa mga kausap ko?

“Lumapit sila sa akin para tulungan ko sila. Tinulungan ko sila tapos parang hindi nila na-appreciate at saka wala silang respeto sa akin,” ang cry me a river na sabi ni AiAi.

Nakakaloka rin ang ginawa ng Ex Battalion member na si Daryl Ruiz kay Billy Crawford na isang international star dahil sikat sa Europe.

Imagine, hindi sinipot ni Daryl ang show dahil sa kanyang pralala na wala siyang boses? Hiyang-hiya si AiAi kay Billy kaya siya ang humingi ng sorry.

Kaliwa’t kanan ang mga batikos laban sa Ex Battalion. Pati ang mga concert producer na kinuha sila para sa mga show, kinansela na ang deal. Afraid ang mga produ na baka tablahin sila ng Ex Battalion na sobrang insensitive at yumabang dahil sa natikman na popularity na may hangganan naman.

May dahilan ang pagkatalo…

Alam mo Mama Salve, kahit bystander lang tayo, parang affected din tayo sa mga natalo sa eleksyon. Para bang feel mo rin iyon sadness, iyon frustration, feeling na ano ba ang kulang bakit hindi ako lumusot?

Lalo pa siguro kung tayo ang kandidato, tayo talaga iyon lumaban, napagod at nagbuhos loob sa pulitika. Sabi ko nga, may kurot sa puso lalo pa at kilala mo iyon candidate at alam mo na bukal sa loob ang mga plano para sa tinakbuhan niyang posisyon.

Walang concrete reason sa anumang pangyayari sa lahat ng naganap, iyon nasa Itaas ang nagtakda. Sabi nga, even the falling of a leaf has a reason, kung natalo man may dahilan at kung nanalo patunayan mo na kaya mo at huwag sayangin ang tsansa na binigay sa iyo. One day lang ang election, pero halos buong buhay mo ang andar nito sa puso at utak mo. Congrats and give us your best, dun sa hindi pinalad, mahaba pa, dami pang chance, wait lang for your time.

vuukle comment

EX BATTALION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with