^

Pang Movies

Matapos ng gender reveal ng anak Gwen at David engaged na rin!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Matapos ng gender reveal ng anak Gwen at David engaged na rin!

Ang gender reveal party ng mag-fiancé na Gwen Zamora at David Semerad noong Friday sa Mr. A’s Bar sa Seascape Village sa Pasay City.

Yes, tama ang nabasa ninyo, mag-fiancé na si Gwen at David dahil after na i-reveal na boy ang ipinagbubuntis ng aktres ay nag-propose naman ng marriage ang PBA player sa kanyang pinakamamahal at ang babaeng gusto raw niyang makasama habambuhay!

Natuwa ang mga nag-attend sa gender reveal party na ‘yon na naging Engagement party na rin.

“I’m so happy!” sabi ni David na sinang-ayunan din ni Gwen na sobrang masaya rin.

Paplanuhin pa lang nila ang wedding nila na sa Boracay ang gusto nilang venue.

Sam at Anthony susunod na kina Gwen at David

Ang mag-sweethearts na Sam Pinto at Anthony Semerad sa nasabing party.

Sabi ni Anthony, excited na siyang maging uncle.

Inusisa ko si Anthony kung may balak na rin ba siyang pakasalan si Sam? “Maybe in December!” sabi ng PBA player.

Ha? Pakakasalan na niya sa December si Sam?

“Not yet, I might propose to her by the end of the year,” paglilinaw ni Anthony.

Wow, bongga!

Ehra wala pa ring kupas ang ganda

Ang dating sexy actress na si Ehra Madrigal sa nasabing party. Married na si Ehra.

In fairness, very pretty pa rin ang ate ni Michelle Madrigal.

Nang makita ako ni Ehra, kaagad niyang kinumusta sa akin ang dati niyang manager na si Annabelle Rama.                                                                                            

Kahit engkanto Mike pinaglalawayan ang ABS!

Engkanto na naman ang hitsura ni Mike Tan sa Kara Mia na pinagbibidahan ni Barbie Forteza at Mika dela Cruz sa GMA-7 primetime.

So, palagi na namang naka-topless si Mike.

Marami ang natatakam sa abs ni Mike. Kahit Engkanto siya sa Kara Mia, type na type siya ng mga bading at kababaihan! ‘Yun na!

vuukle comment

DAVID SEMERAD

GWEN ZAMORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with