^

Pang Movies

Gary balik sa dating energy!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Gary balik sa dating energy!
Gary

Natuwa ang lahat ng mga pumunta sa 35th anniversary at thanksgiving presscon ni Gary Valenciano dahil ginanap ito sa Valencia Events Place kaya nakita nila si Mother Lily Monteverde na malusog at okey na okey na ang kundisyon.

Natuwa rin ang entertainment press dahil parang hindi sumailalim si Gary sa open heart surgery at kidney cancer surgeries. Hindi ipinagkakaila ni Gary na 54-years old na siya pero talong-talo niya ang mga mas bata na performer dahil sa kanyang kakaiba na stamina.

Inspiring ang inamin ni Gary na dumaan siya sa depression pagkatapos ng mga operasyon na pinagdaanan niya.

Para mawala ang depression na nararamdaman, nagbakasyon si Gary sa isang beach resort sa Batangas na tanging ang personal assistant ang kasama niya, hindi ang kanyang misis na si Angeli Pangilinan o ang kanilang mga anak.

Nagpapasalamat si Gary sa lahat ng mga nagdasal para sa kanyang kaligtasan pero higit sa lahat, ang Diyos ang pinasasalamatan niya dahil ang Siya ang tunay na savior.

Nadala sa dasal ang kaligtasan ni Gary na may diabetes mula pa noong bata siya pero nalagpasan niya ang major operation sa kanyang puso at kidney.

Happy rin ang lahat dahil halos isang buwan ang tour ni Gary sa US na magsisimula sa April 12 at sa rami ng mga nasabik na fans, sure hit ang kanyang US concert. Healthy and energetic Gary, welcome sa muling pagbabalik sa Amerika pagkatapos ng health crisis na naranasan noong nakaraang taon.

Mother Lily dahilan ng pagsikat ni Gary

Courtesy of Mother Lily ang presscon ni Gary sa Valencia Events Place noong Miyerkules.

Gaya ni Gary, parang hindi nagkasakit si Mother dahil sumayaw-sayaw pa siya habang kumakanta si Gary.

Malaki ang utang na loob ni Gary kay Mother dahil ito ang may idea noon na bigyan siya ng pelikula.

First time ni Gary na magkaroon ng movie sa Regal Films at since then, gumawa na rin siya ng pelikula sa bakuran ng Seiko Films at Star Cinema.

Hindi rin nakakalimutan ni Gary na si Mother Lily ang unang producer ng kanyang concert sa Amerika na isang huge success kaya masayang-masaya siya nang idaos sa Valencia Events Place ang presscon ng 35th year niya bilang entertainer at Mr. Pure Energy.

Special guests ni Gary sa US tour niya sina Katrina Velarde at Jona.

Slim na slim si Jona nang umapir ito sa presscon ng US tour ni Gary na matibay na proof na tsismis lang at walang katotohanan ang kumalat na balita noon na nabuntis siya ng kanyang driver.

I’m sure, pinagtawanan lang ni Jona ang tsismis na imposible na mangyari. Lalong natawa ang mga tao sa paligid ni Jona na may alam tungkol sa personal life niya.

Solenn sinalubong ang ex na si Derek

Kapuso actor na si Derek Ramsay kaya malaki ang chance na magkasama sila ni Solenn Heussaff sa mga future television series ng GMA-7.

May mga hoping na pagtambalin ang dalawa sa isang project dahil sa kanilang past. Sa mga clueless, ex-boyfriend ni Solenn si Derek at nagkaroon sila ng relasyon noong teenager pa siya.

Kabilang nga si Solenn sa mga nag-welcome kay Derek nang pumirma ito ng kontrata sa GMA Network Inc. noong Miyerkules. Happily-married na si Solenn sa kanyang Argentinian husband na si Nico Bolcizo kaya sure ako na walang selosan na mangyayari kung sakali na magkasama sila ni Derek sa teleserye ng Kapuso Network.

vuukle comment

GARY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with