^

Pang Movies

Gelli, apektado sa matitinding bashing!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Gelli, apektado sa matitinding bashing!
Gelli

As of this writing patuloy na kinukuyog ngayon ng bashers si Gelli de Belen matapos siyang magbigay ng pahayag sa controversial issue nina Patrick Garcia and Jennylyn Mercado.

Sa guesting kasi ng aktres sa Chika Cart hosted by Baninay Bautista, Donita Nose at Jefferson Fernando, nahingan siya ng kanyang opinyon tungkol isyung pinag-uusapan ngayon ng bayan na nagsimula sa tell-all interview ni Patrick kay Ogie Diaz.

Sinagot naman ni Gelli ang tanong pero hindi nagustuhan ng netizens ang kanyang sagot dahil feeling nila ay kinakampihan ng aktres si Patrick.

Maging si Dennis Trillo nga ay hindi rin napigilang mag-react at sunud-sunod din ang kanyang komento sa viral video ni Gelli sa Instagram.

Sa isa niyang komento ay tinawag pa niyang “8080” ang hosts na sumasang-ayon kay Gelli.

Kasabay nito ay walang patumanggang pamba-bash ang inabot ng aktres mula sa netizens at supporters ni Jen.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Gelli tungkol sa mga sinabi ni Dennis at sa matitinding bashing na natatanggap niya pero ayon sa aming source na malapit sa kanya ay affected daw ang aktres dahil wala naman daw itong masamang ibig sabihin sa mga sinabi.

As for Dennis, hindi namin masisi ang aktor sa kanyang initial reaction dahil nga sa pagmamahal niya sa asawa at sa kanyang pamilya.

JoshLia, inaming mahal pa ang isa’t isa!

Aminado ang ex-celebrity couple na sina Julia Barretto and Joshua Garcia na maraming naituro ang isa’t isa sa kanila when it comes to love.

Sa panayam ng JoshLia sa vlog na KC After Hours ay napag-usapan nila ang magandang friendship na namamagitan sa kanila ngayon makalipas ang breakup nila years ago.

Isa nga sa naitanong sa kanila ng host na si Karmina Constantino ay kung ano ang natutunan nila sa isa’t isa pagdating sa love.

Si Joshua ang unang sumagot. Aniya, “I think, love is not enough. Especially with Julia. You need to show it. Kailangang ipakita mo sa kanya ‘yung pagmamahal mo. Hindi mo lang basta sasabihin na ‘mahal kita.’”

Dagdag din niya, “at marami pang iba, kasama na do’n ‘yung respect and communication.”

Ayon naman kay Julia, tinuruan daw siya ni Joshua na maging forgiving. “Everyone is capable of hurting you. If so, if your partner can hurt you, you’re also capable of hurting them back. So, maybe just learning how to forgive and giving the other person grace and allowing each other to grow and be better for each other,” sey ni Julia.

Sa nasabing panayam ay buong ningning din nilang inamin na mahal pa nila ang isa’t isa pero hindi na nga lang romantic love. “My love for Julia, nagbago na siya. Hindi siya habang-buhay romantic lang din talaga. And I think, ‘yun ‘yung pagmamahal na gusto ko ring ibigay sa kanya,” sey ni Joshua.

Ayon pa sa aktor, ang pagmamahalan nila ngayon ni Julia bilang magkaibigan ay isang uri ng pagmamahal na pwede nilang panghawakan forever at sumang-ayon naman si Julia.

GELLI DE BELEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with