^

Pang Movies

Jinggoy ayaw pakialaman ang lovelife ni Janella

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Jinggoy ayaw pakialaman ang lovelife ni Janella
Jinggoy Estrada at Janella Estrada

Aminado si San Juan Vice Mayor Janella Estrada na lumaki siyang nakakasama ang mga entertainment press noong gumagawa ng movies ang amang si former Senator Jinggoy Estrada, pero ang pagharap niya sa kanila sa isang lunch-chikahan, bago iyon sa kanya, kaya pasalamat siya na sinamahan siya ng Daddy niya.

Ano ang pagkakaiba ng showbiz at politics na nagsimula siya bilang councilor ng San Juan City in 2013, at Vice-Mayor in 2016?

“Halos wala po namang pagkakaiba, kasi nga po nakita ko na si Daddy noon na nag-aartista at ngayong public servant na rin ako, gusto ko na rin yatang mag-showbiz,” biro ni Janella. “Kidding aside po, nang makatapos ako ng political science sa De La Salle, Manila, sinabi ko sa tatay ko na gusto kong kumandidatong councilor ng San Jaun, nang pumayag siya, pinag-aralan ko na po kung paano siya nagsilbi sa city of San Juan, tulad din po ni Lolo Erap (Joseph Ejercito Estrada). Nagisnan ko na rin po kasi kung paano nila napaunlad ang city namin at kinabisa ko na ang mga alintuntunin at magiging trabaho ko bilang isang councilor, then nang maging Vice-Mayor ako.”

Si former Senator Jinggoy naman ay nagpasalamat na after three years, “it’s happy to be back.”  Nagpasalamat din siya kay Mayor Guia Gomez for endorsing Janella as the next mayor of San Juan. “Malaking bagay iyon at ang pagiging supportive niya kay Janella.”

Ano ang advice niya kay Janella, simula pa noong kumandidatong councilor?

“Kung ano rin ang sinabi ng tatay ko, ni Mayor Erap noong kumandidato akong mayor ng San Juan, na huwag ko siyang ipapahiya sa mga tao na naghalal sa kanya.

Biniro si former Senator Jinggoy, kung magkakaroon ba ng first gentleman ang City of San Juan, dapat bang may approval niya?

“Bahala na siya sa buhay niya, matanda na siya. May ipinakilala siyang boyfriend sa akin noon, okey naman siya, hindi ako nakikialam sa personal life ng mga anak ko.”

Kris at Thea magkaribal at magkapatid ang bagong gagawin

Magiging magkaribal ang magkapatid na Kris Bernal at Thea Tolentino sa bagong afternoon prime drama series ng GMA 7 na ipapalit daw sa The Stepdaughters. Hindi pa sinasabi kung sino ang pag-aagawan nilang leading man ng serye, ewan lamang kung aapir na sa story conference ang actor, o magiging sorpresa siya hanggang hindi nagsisimula ang taping?

vuukle comment

JANELLA ESTRADA

JINGGOY ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with