^

Pang Movies

Thea hindi pa handang ibuyangyang ang alindog

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi pa raw handa ang Kapuso actress na si Thea Tolentino na ilantad ang kanyang alindog sa isang sikat na men’s magazine.

Pagkatapos nga raw magsuot ng sexy bathing suit si Thea sa mga teleserye na Once Again at Hahamakin Ang Lahat, may mga offer na raw ito na mag-photo shoot at maging cover ng isang men’s magazine.

Pero hindi pa nga raw handa si Thea na gawin iyon dahil ginawa lang niya ang magpa-sexy sa teleserye since kailangan daw sa role. “Nahihiya pa po ako na magpa-pictorial na naka-bathing suit, lalo pa po kung sa isang men’s magazine.

“Feeling ko po, hindi pa ako ready. Marami pang kailangang mabago sa sarili ko.

“Siguro po papayag ako after ng ilang years.

“Ngayon po kasi, parang hindi pa ako bagay sa ganyan. Tsaka wholesome po ang image natin ngayon. Baka maiba kapag pumayag ako na mag-pose sa magazine na naka-bikini.

“Darating din po tayo diyan,” paniguro pa ni Thea.

Bago nga matapos ang 2016 ay nagkabalikan sila ng boyfriend niyang si Mikoy Morales.

Nagkaroon daw sila ng matinding tampuhan pero naayos naman daw bago mag-New Year.

Naging sanhi raw ng paghiwalay nila ay nung wala silang maibigay na time para sa isa’t isa. “Parang nagkapatung-patong na rin ‘yung mga tampuhan namin sa isa’t isa.

“Pero ang pinakaproblema ay ‘yung time.

“Kasi nga po, busy ako sa taping ng Hahamakin Ang Lahat. Kapag nagyayaya siyang lumabas, hindi ako puwede dahil maaga ang call time ko the next day.

“Doon kami nag-aaway. Pero pinapaintindi ko naman sa kanya na trabaho ito.

“Hanggang sa hindi na siya tumatawag. Parang ‘yun na ‘yon.

“Pero naging okey na kami bago mag-Pasko at New Year.

“Basta tumawag na lang siya at naging okey na kami ulit,” pagtapos pa ni Thea Tolentino.

Angeline, 10 taon nang magsimulang mamanata sa Nazareno

Naging panata na ng singer-actress at bida ng pelikulang Foolish Love na si Angeline Quinto ang mamanata sa Black Nazarene tuwing January 9 sa Quiapo, Manila.

Ikinuwento ni Angeline na 10 years old pa lang daw siya noong magsimula siya sa kanyang panata kasama ang kanyang Mama Bob.

“Sa Sampaloc pa kami nakatira noon. Every January 9 talaga may panata kami sa Mahal na Nazareno.

“Dumating ang time na si Mama Bob, hindi na niya kayang sumama kaya ako na ang nagtutuloy ng panata namin hanggang ngayon.”

Naisip na ngang sumampa ni Angeline sa karo ng Mahal na Nazareno noong manalo siya sa Star Power noong 2011.

Simula noon ay nakaapat na beses na raw na nakakasampa si Angeline sa Mahal na Nazareno.

Hiling lang parati ni Angeline ay ang maayos at magandang buhay para sa kanya, sa kanyang Mama Bob at sa mga taong mahal niya.

Pagkatapos mag-divorce, Johnny Depp mga aso at kabayo ang iniwan kay Amber Heard

Na-finalize na ang divorce ng Hollywood actor na si Johnny Depp at ng supermodel na si Amber Heard.

Nabigyan na ni Depp si Heard ng divorce settlement amounting to $7 million noong nakaraang taon. Pero nai-donate ni Heard ang naturang amount sa dalawang charities.

Napagkasunduan na kay Heard mapupunta ang dalawang aso nila na sina Pistol at Boo.

Inakusahan ni Heard si Depp for domestic abuse. Sa isang court document, sinabi ni Heard na hinagis ni Depp ang hawak nitong cellphone at tinamaan siya sa mukha. Pero itinanggi ito ng aktor.

Ito ang iba pang napagkasunduan sa divorce ng dalawa:

Bukod sa mga aso, mapupunta rin kay Heard ang kanilang kabayo na si Arrow.

Si Depp pa rin ang nagmamay-ari ng kanilang mga real estate assets, including properties in LA, Paris and his private island in the Bahamas. Kay Depp din ang higit kumulang na 40 vehicles and vessels, including vintage cars and motorcycle collection.

Ida-drop ni Heard ang kanyang restraining order against Depp.

May confidentiality provision para maiwasan nilang i-discuss ang kanilang naging relationship in public.

No spousal support for either party.

vuukle comment

THEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with